Hawak ni Quinones ang gintong medalya sa cross country ng 2003 Southeast Asian Games na ginanap sa Vietnam at ang pagbubukas ng Southeast Asian MTB Championships noong June sa Danao City habang nakasukbit naman kay Quinones ang bronze mula rin sa Vietnam SEA Games at 2002 Asian MTB sa Chinese-Taipei.
Ang dalawang Pinoy riders ay kapwa nasa ranggo din ng UCI (Union Cycliste Internationale) top 2000 MTB riders kung saan si Quinones ay pang-286 at si Feliciano naman ay pang-404. Ang dalawang ranking ay base sa puntos na kanilang naipon sa kanilang partisipasyon sa mga major competitions bagamat ang dalawang riders ay hindi pa lumalahok sa labas ng Asian MTB.
Sa kabilang dako, pangungunahan naman ni Marites Bitbit ang kampanya ng kababaihan. Si Bitbit ay bronze medalist sa 2003 Vietnam SEA Games crosscountry competition at ang kanyang pagtawid sa triathlon at duathlon ay makakatulong ng malaki sa kanya sa Puerto Princesa kung saan ang world-class crosscountry at downhill courses ay idinesenyo ng opisyal na PhilCycling at sinertipikahan ni Oscar Boying Rodriguez Jr. ng Danao City, ang natatanging international commissaire para sa MTB ng bansa.
Kabilang din sa national team ang beteranong internationalist na si Ruel Casaljay, Evic Largo, Michael Borja, Parabane Mendoza, Joey Barba at Nino Surban sa mens at Mylene Hopeda at Athena Beltran sa womens.
Inaasahan ng PhilCycling na may 15 Asian countries ang sasali sa championships kung saan kinumpirma na ng South Korea, Japan, Malaysia, Chinese Taipei, Indonesia at Thailand ang kanilang partisi-pasyon sa event.
Ang Asian MTB ang tampok sa Philippine Cycling Festival na nagbabalik sa national cycling open. Magkakaroon ng national competitions sa track sa October 3 sa Amoranto Velodrome sa Quezon City, criterium race sa October 3 din sa Luneta, road ITT sa Nasugbu sa October 4, road massed start sa Tagaytay City sa October 5 at ang national MTB na kaalinsabay ng Asian championships sa Puerto Princesa.