Tinapos ng CSJL Knights ang kanilang elimination campaign sa 9-5 kartada sa likod ng host University of Per-petual Help Dalta System at Philippine Christian University na parehong nakakuha ng twice-to-beat advantage bilang insentibo sa top two teams patungo sa final four.
Dahil sa panalong ito ng Letran, nakinabang ang Mapua Institute of Technology at ang San Beda College na siyang maghaharap para sa ikaapat at huling semi-finals berth sa Miyerkules na gaganapin sa Araneta Coliseum kung saan magkakaroon din ng Cheerdance competition.
Bagamat nagtapos ang SSC-R Stags na may 7-7 kartada katabla ang MIT Cardinals at SBC Red Lions, napagsaradu-han ng pinto sa Final Four ang Baste dahil sa kani-lang pinakamababang quotient sa tatlo.
Matapos ang compu-tation, ang Mapua ay +16, -9 ang Bedans habang -10 ang San Sebastian kaya sila natanggal mata-pos i-apply ng Manage-ment Committee ang quotient system.
Nagpakita ng matin-ding determinasyon ang San Sebastian nang kani-lang habulin ang 14-puntos na kalamangan ng Knights, 75-61 sa kaaga-han ng ikaapat na quarter nang silay makadikit sa 78-80 matapos ang 17-5 run, 41 segundo pa ang nalalabing oras sa laro.
Ngunit sumalto ang kanilang mga krusyal na baskets para sa pana-long magluluklok sana sa kanila sa semis round.
Sa unang seniors game, nagsagawa ng magandang pagtatapos ang kulelat na College of St. Benilde nang kanilang kubrahin ang ikalawang panalo sa kabuuang 14-laro matapos igupo ang Jose Rizal University, 95-91 sa kanilang no-bearing game.
Double celebration sa araw na ito ang St. Benilde dahil namayag-pag din ang kanilang junior counterparts na La Salle Greenhills kontra sa JRU Light Bombers, 101-64 sa juniors division. (Ulat ni CVOchoa)