Nagpadala din ng kanilang intensiyon na lumahok sa event na tampok sa Philippine Cycling Festival, ang pagbabalik ng national cycling open, ang Malaysia, Chinese Taipei, Indonesia at Thailand.
Ang championships na tatampukan ng kompetisyon sa elite division ng palusong at cross country, ay gaganapin sa highly-technical at mapaghamon na kurso sa Sitio Magarwak, Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa City. Binigyan ng go-signal ng International Cycling Union, sa pamamagitan ni international mountain bike commisaire Oscar Boying Rodriguez Jr., ang kurso, disenyo at espisipikasyon ng karerahan.
Inaasahan ng organizing Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling ang mahigit na 15 bansang sasali sa cham-pionships, ang ikalawa sapul noong 1997 kung saan ang bansa din ang nag-host ng prestihiyosong mountain bike race.
Ang Oktubre 3 hanggang 5 ay magmamarka sa panimula ng cycling festival, na nagbalik sa national open ng sports. Ang track at velodrome races ay nakatakda sa Amoranto sa Quezon City, criterium sa Luneta, massed start sa Tagaytay City at individual time trial sa Nasugbu, Batangas. Ang national MTB Open ay idaraos sa Puerto Princesa. Ang lahat ng interesadong siklista ay maaring magtanong sa 8794374 o 8794378 o mobiles 09272426673, 09162601992 o 09178996336.