^

PSN Palaro

Tanamor at kasama malaki ang tsansa sa gold

-
ATHENS--Ibinunyag noong Miyerkules ni boxing chief Manny Lopez ang kanyang kahilingan na makita kahit isa man lang sa kanyang apat na fighters na wakasan na ang paghahanap ng Philippines sa inaasam na gintong medalya sa Olympic Games dito.

"All of them--Harry Tanamor, Violito Payla, Romeo Brin at Christopher Camat--are medal prospects," pahayag ni Lopez. "But Harry might have the best chance."

Idinagdag pa ng ABAP president na siya ring secretary general ng Asian Boxing Federation na nagbigay rin ng prediksiyon ang American magazine Sports Illustrated na makakapag-uwi si Tana-mor ng bronze medal.

Malalaman sa darating na Biyernes na tumapat sa Friday the 13th na ang paniniwala ng karamihan ay siyang malas na araw, ngunit agad namang binaligtad ito ni Lopez at sinabing: "Hindi kami naniniwala diyan. Mas pinaniniwalaan ko ‘yung suwerte."

Umaasa rin ang Filipino official na sinuman sa apat na boxers ay makakakuha ng bye. "It’s not sure yet that Camat will fight on August 14. Depende sa draw. But action in his weight class (mid-dleweight) is starting that day," wika pa ni Lopez.

Buo rin ang pag-asa ng mga RP sports officials gaya nina Olympic Committee president Celso L. Dayrit, PSC chairman Eric Buhain at Chef de Mission Steve Hontiveros na ang lahat ng boxers ay bubu-wenasin sa draw.

"I have a strong feeling we can bring home a medal," wika ni Dayrit matapos ang kanyang pagdating noong Miyerkules. "Our boxers and taekwondo athletes seem to be in the best position to deliver."

Ang boxing ang siyang mina ng medalya ng bansa sa mga international competitions kabilang ang Olympics. Sa kasalukuyan, ang boxing ay nakapag-produce na ng tatlong bronzes mula sa yumaong si Jose ‘Cely’ Villanueva, Leopoldo Serrantes at Roel Velasco at dalawang silvers isa kay Anthony Villanueva (1964 Tokyo) at ang isa ay kay Mansueto ‘Onyok’ Velasco (1996 Atlanta) sa Olympic Games.

ANTHONY VILLANUEVA

ASIAN BOXING FEDERATION

BUT HARRY

CELSO L

CHRISTOPHER CAMAT

DAYRIT

ERIC BUHAIN

LOPEZ

OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with