^

PSN Palaro

NCAA Basketball: Pakikisalo sa lider asam ng Letran at San Sebastian

-
Pagkakataon na ngayon ng defending champion Colegio de San Juan de Letran at San Sebastian College-Recoletos na matikman ang pakikisalo sa pangkalahatang pa-mumuno sa ikalawang round ng eliminations ng NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Coliseum.

‘Yan ay kung magtatagumpay sila laban sa magkahiwalay na kalaban ngayon sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang Jose Rizal University ang makakalaban ng CSJL Knights sa unang seniors game, alas-2 ng hapon pag-katapos ng sagupaan ng kanilang junior counterparts na sisimulan sa alas-11:30 ng umaga.

Ang bokya pa ring College of St. Benilde naman ang asignment ng SSCR Stags sa tampok na laro sa dakong alas-4 ng hapon na susundan ng sagupaan ng kanilang juunior counterparts sa bandang alas-6 ng gabi.

Magkakaroon na ng kasosyo sa liderato ang host University of Perpetual Help Rizal na matagal na nagsolo sa pamumuno kung magtatagumpay ngayon ang Letran at San Sebastian.

Parehong may 5-3 record ang Kights at Stags na nasa likod lamang ng UPHDS Altas na may 6-3 record habang ang mga walang laro ngayong Ma-pua Institute of Technology, San Beda College at Philippine Christian University ay may 5-4 kartada.

Bagamat pinapabo-rang manalo ang Baste na galing sa back-to-back wins, magiging mapanganib sa kanila ang kulelat na CSB Blazers na gigil na gigil nang matikman ang kanilang kauna-unahang panalo matapos mabigo sa unang walong laban na siyang dahilan ng kanilang pagkakabaon sa pangungulelat.

Kinaikailangan ding mag-ingat ang Knights kontra sa JRU Heavy Bombers na siguradong pursigidong iangat ang kanilang posisyon. (Ulat ni CVOchoa)

ANG JOSE RIZAL UNIVERSITY

COLLEGE OF ST. BENILDE

HEAVY BOMBERS

INSTITUTE OF TECHNOLOGY

LETRAN

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RIZAL COLISEUM

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN BEDA COLLEGE

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with