Insentibo sa makakapag-uwi ng gold
August 7, 2004 | 12:00am
Sa hakbang na pinasimulan ng Philippine Sports Commission, tatanggap ang sinuman sa mga Filipino athletes na makakapag-uwi ng medalya mula sa 2004 Athens Olympic Games ng maraming insentibo hindi lamang mula sa government kundi gayundin sa private sector.
Inihayag kahapon ni PSC Chairman Eric Buhain na nangako ang Samsung Electronics Philippines ng P1 milyon para sa Olympic gold, P300,000 para sa silver at P100,000 sa bronze.
"Once again, the PSC is obliged for the solid commitment of Samsung, a perennial backer of sports development in the country, whose latest show of support will definitely boost the morale of our flag-bearers," ani Buhain.
"The PSC, through the continuing guidance of the Philippine Olympic Committee and all stake-holders, is working for a sustainable incentive program--one that will fully establish a clear-cut direction and long-lasting benefits for our athletes," dagdag pa niya.
Sa kanyang parte, sinabi naman ni Samsung president San Youl Eom na "this is in support to our collective desire of extending more inspiration for the heroism and sacrifice of Filipino athletes."
Ang karagdagang insentibo ay bukod sa mandatory incentives na ibibigay ng national government base na rin sa Republic Act 9064 kung saan pagkakalooban ng P5 milyon ang gold medal, P2.5 milyon sa silver at P1 milyon sa bronze.
Nilagdaan ang R.A. 9064 o National Athletes, Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act bilang batas noong Abril 5, 2001 at ang kauna-unahang sports bill na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Noong 2000, tumanggap si Anthony Villanueva, 1964 Tokyo Olym-pics silver medalists ng P1 milyon mula kay Pangulong Arroyo sa pormal na award rites, habang sina Roel Velasco, 1992 Barcelona Olympics bronze medalists at Leopoldo Serantes, bronze winner noong 1988 edisyon ng naturang Games sa Seoul ay pawang tu-manggap ng tig-P400,000 mula sa Pangulo.
Bumabahang insentibo naman ang tinanggap ni Mansueto Onyok Velasco Jr., na nanalo ng silver noong 1996 Atlanta Olympiad mula sa government, gayundin sa private sector para sa kanyang panalo na siyang naging daan upang malagdaan ang Administrative Order 352 o Gratuity and Monthly Incentive Allowance Plan ni dating Pangulong Fidel Ramos noong July 24, 1997.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended