^

PSN Palaro

Rañola,Sanchez, 5th at 8th sa Canne

-
Umiskor ng panalo si Filipino National Master Yves Rañola kay FIDE Master Maurizio Brancaleoni ng Italy sa ninth at final round para makisosyo sa ika-4 hanggang ika-12 na puwesto kasama ang isa pang Pinoy na si IM Joseph Sanchez na nagkasya naman sa tabla kay GM Mladen Palac ng Croatia sa pagtatapos ng XVI Cannes International Open Tournament noong Linggo ng gabi na ginanap sa Palais des Festivals et des Congrès sa Cannes, France.

Sina Rañola at Sanchez ay kapwa kumamada ng tig 6.5 puntos tulad nina overnight solo lider GM Sinisa Drazic ng Yugoslavia, GM Mladen Palac ng Croatia, GM Chanda Sandipan ng India, GM Davor Komljenovic ng Croatia, IM Fabio Bellini at FM Folco Castaldo ng Italy at FM Fabricio Pattuzo ng Switzerland.

Ngunit dahil sa tie break points, si Rañola ang umokopa ng ika-5 puwesto habang si Sanchez ay nasa ika-8 puwesto sa nine-round Swiss system ng FIDE tournament na nilahukan ng 12 Grandmaster, 12 International Master at 11 FIDE Master na may kabuuang 166 chess players mula sa European circuit.

Hindi naman pinalad ang isa pang Filipino entry na si IM Ronald Bancod matapos lumasap ng dalawang sunod na pagkatalo kay Pavel Gov-ciyan ng France para muling mapako sa 5.0 puntos at mahulog sa ika-46 na puwesto.

Tinanghal namang kampeon si GM Andrei Sokolov ng France makaraang manalo kay GM Bogdan Lalic ng England. Katabla ni Sokolov sa 7 puntos sina Super Grandmaster Vladislav Tkachiev ng France na nanaig kay GM Sinisa Drazic ng Yugoslavia, at Super Grandmaster Igor Miladinovic na nagwagi kay GM Miroljub Lazic ng Yugos-lavia.

Ngunit sa bisa ng tie break points tinanghal na kampeon si Sokolov at pumangalawa naman at ikatlo sina Miladinovic at Tkachiev, ayon sa pagkakasunod.

ANDREI SOKOLOV

BOGDAN LALIC

CANNES INTERNATIONAL OPEN TOURNAMENT

CHANDA SANDIPAN

CROATIA

DAVOR KOMLJENOVIC

DRAZIC

FABIO BELLINI

FABRICIO PATTUZO

FILIPINO NATIONAL MASTER YVES RA

MLADEN PALAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with