^

PSN Palaro

Ukraine GM yuko kay Sanchez

-
Pinayuko ni Filipino International Master Joseph Sanchez si GM Vadim Malakhatko ng Ukraine para umakyat sa ika-2 hanggang ika-8 puwesto matapos ang eight at penultimate round sa patuloy na hostilidad ng 166 manfield XVI Open Cannes International Chess Championships kahapon sa Cannes, France.

Dahil sa natamong panalo ng anak ng Cebu City ay nakalikom na si Sanchez ng 6.0 na puntos at makihanay kina Super GM Vladislav Tkachiev at GM Andrei Sokolov ng France, Super GM Igor Miladinovic ng Greece, GM Miroljub Lazic ng Yugoslavia, GM Mladen Palac ng Croatia at GM Bogdan Lalic ng England.

Habang nanalo din si Filipino National Master Yves Rañola ng Caloocan City kontra kay Aurelio Colmenares ng Lugano, Switzerland para makaipon ng 5.5 puntos at makisosyo sa ika-9 hanggang ika-21 na puwesto na kinabibilangan nina GM Chanda Sandipan ng India, GM Davor Komljenovic ng Croatia, IM Yannick Gozzoli, IM Aurelien Dunis at IM Matthieu Cornette ng France, IM Fabio Bellini, FM Folco Castaldo at FM Maurizio Brancaleoni ng Italy, IM Slavisa Peric at IM Vladimir Kostic ng Yugoslavia, IM Sebastian Siebrecht ng Germany at FM Fabricio Patuzzo ng Switzerland.

Hindi pa rin matinag sa unahang puwesto si overnight solo lider GM Sinisa Drazic ng Yugoslavia matapos makipaghatian ng puntos kay Super GM Miladinovic sa top board encounter.

Sa isang banda, minalas naman ang isa pang Pinoy entry na si IM Ronald Bancod matapos yumuko kay GM Lazic para mapako ang una (Bancod) sa 5.0 puntos at mahulog sa ika-22 hanggang ika-40 na puwesto.

ANDREI SOKOLOV

AURELIEN DUNIS

AURELIO COLMENARES

BOGDAN LALIC

CALOOCAN CITY

CEBU CITY

CHANDA SANDIPAN

CROATIA

DAVOR KOMLJENOVIC

FABIO BELLINI

FABRICIO PATUZZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with