Tutungo din si Paragua sa Nice Open mula sa Agosto 2-7 at susundan ng Solsona Open sa Agosto 13-20 sa Solsona, Spain.
Nakatakda din kay Mark ang tatlong Grandmaster tournament sa Alustha, Ukraine mula Set. 10-20; Set.20-Okt.3 at Set. 20-Okt. 3, 2004 at muling magbabalik sila sa Europa para sa 2004 Corsica Chess Open sa Okt. 25-Nob.4 sa Corsica, France.
Nakuha ni Paragua ang first GM norms matapos makisosyo sa unahang puwesto kay eventual winner GM Oleg Korneev ng Russia noong 2001 Mondariz International sa Spain.
Ang Marilao-Meycauayan, Bulacan-based na si Paragua ay nangangailangan ng dalawang GM norms/ results para makum-pleto ang GM title.