UAAP Volleyball simula na
July 25, 2004 | 12:00am
Walong laban ang magpapasimula sa hostilidad ng Season 67 UAAP volleyball ngunit tiyak na hahatak ng eksena ang laban sa pagitan ng De La Salle at University of Santo Tomas ngayon sa UP Human Kinetics gym sa Diliman.
Ang Lady Archers ang reigning defending champion sa UAAP pero nagnakaw ng pansin ang Tigress nang pataubin nila ito sa Shakeys V-League championships.
Nakatakdang magharap ang DLSU at UST sa pang-alas-2 ng hapon na bakbakan ang oras din ng pagtatagpo naman ng kanilang Archers na siya ring defending champion kontra naman sa FEU Tamaraws sa kabilang court.
Panauhin sina League president Danny Jose at UP Board members sa UAAP na sina Chancellor Dr. Emerlinda R. Roman at Dean Gilda L. Uy, sa simpleng opening rites. Ang UP ang tradisyunal na host ng volleyball sa UAAP.
Maglalaban naman ang UP at Adamson sa mens opener sa alas-9 ng umaga na susundan ng pang-alas-10:30 ng umagang salpukan ng UE at Ateneo at sa hapon naman ganap na alas-3:30 ng hapon magtatagpo ang UST at NU.
Sisimulan naman ng second ranked FEU ang kanilang kampanya para sa titulo kontra sa UP sa kababaihan sa alas-10:30 ng umaga, kasunod ang UE vs Adamson at Ateneo kontra sa NU.
Nakalinya pa rin sa Lady Archers para sa kanilang kampanyang mapanatili ang titulo sina Maureen Penetrante, Manilla Santos, MVP Desiree Hernandez, Carissa Gotis, Shermaine Peñano, Gelynne Vargas, Ivory Ablig, April Dela Cruz, Kimberly Anne Lee, Dianne Go at Relea Saet na pawang mga beterano sa V-League.
Ngunit inaasahang hindi basta-basta bibigay ang Tigress lalot nat tinalo nila ito sa V-League para sa korona.
Samantala, tatlo pang UAAP sports ang magbubukas sa susunod na dalawang buwan-- ang Chess sa UE sa Agosto at swimming sa Rizal Memorial at table tennis sa UST sa Setyembre.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended