NCAA Basketball: Letran yuko sa Altas
July 24, 2004 | 12:00am
Sumandal ang host University of Perpetual Help Dalta System kina Jonjon Refuerzo at Khiel Misa sa huling maiinit na segundo ng labanan upang maitakas ng Altas ang 71-68 panalo kontra sa defending champion na Colegio de San Juan de Letran sa labanan ng mga leading teams ng eliminations ng NCAA basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.
Si Rufuerzo ang umiskor ng dalawang free throws na nagbigay ng tatlong puntos na kalamangan sa Perpetual bilang final score, siyam na segundo pa ang nalalabing oras para sa huling posesyon ng CSJL Knights.
Ngunit dahil sa kabayanihan ni Misa na naka-steal mula kay Boyet Bautista ang tuluyang nagselyo ng panalo ng Altas na humatak ng kanilang winning streak sa limang sunod na panalo upang solohin ang pangkalahatang pamumuno sa 5-1.
Sa unang laro, nakadikit na ang Philippine Christian University sa tatlong puntos, mabuti na lamang at nagising ang Mapua Institute of Tech-nology sa endgame para mapreserba ang 90-85 panalo sa unang seniors game.
Sa unang laro, pinasadsad naman ng PCU Baby Dolphins ang MIT Red Robins, 85-69. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended