80th NCAA Basketball Tournament: 4th win targetng SSC Stags at Red Lions
July 21, 2004 | 12:00am
Magkasalungat ang tinatamasang kapalaran ng magkaribal na San Sebastian College-Recoletos at ng San Beda College. Ang isa ay galing sa sunud-sunod na panalo, habang ang isa ay mula sa sunud-sunod ang talo.
Ngunit iisa lamang ang kanilang tutumbukin ngayon sa pakikipagharap sa magkahiwalay na kalaban sa pagpapatuloy ng aksiyon ng 80th NCAA basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Ikaapat na panalo ang target ng SSC Stags at SBC Red Lions sa pakikipagharap sa Jose Rizal University at College of St. Benilde ayon sa pagkakasunod. Mauuna ang San Sebastian-Jose Rizal game sa alas-2:00 ng hapon at agad isusunod ang San-Beda-St. Benilde match sa dakong alas-4:00.
Kasama ang Baste at ang Bedans sa fourway logjam sa 3-2 record kabilang ang pahinga ngayong Mapua Institute of Technology at ang Philippine Christian University, sa likod ng host University of Perpetual Help Dalta System at defending champion Colegio de San Juan de Letran na kasalukuyang magkasalo sa liderato sa 4-1 panalo-talo.
Tangka ng San Sebastian na pahabain ang kanilang winning streak sa apat na sunod na panalo laban sa JRU Heavy Bombers na magmu-mula naman sa four-game losing streak sanhi ng kanilang 1-4 kartada.
Makabangon naman sa tatlong sunod na kabiguan ang hangad ng San Beda laban sa CSB Blazers na wala pang naisusubing panalo sa limang pakikipaglaban.
Kabilang sa mga naging biktima ng Stags ay ang PCU Dolphins, 74-64 noong July 9, kasunod ang St. Benilde, 88-74 noong July 12 at ang huli ay ang MIT Cardinals, 74-73 noong nakaraang Biyernes.
Bagamat mas pinapaborang manalo ang Baste sa kanilang laban kontra sa JRU, kinakailangan ng ibayong ingat ng San Sebastian dahil higit din ang determinasyon ng Red Lions na makabangon sa kanilang tatlong sunod na talo.
Sa juniors division, magha-harap naman ang SSC Staglets at ang JRU Light Bombers sa pang-umagang aksiyon sa alas-11:30 ng umaga habang ang SBC Red Cubs at ang La Salle Greenies naman ang ika-apat at huling laro sa dakong alas-6:00 ng gabi. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended