Bernales pinatalsik ni Saraza

IRIGA-Pinayukod ng Manila-based netters na si Kim Ivor Saraza ang kalabang si Fritz Bernales, 6-2, 6-2 upang pamunuan ang mga opening winners sa boys’ 12-under division sa pagbubukas ng inulan na 2004 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop dito sa USANT hardcourts.

Bunga ng kanyang panalo, inihakbang ni Saraza ang kanyang kampanya para sa susunod na round kasama sina Donaldo Garby na nagpatalsik kay Jacob Bernales, 6-1, 6-3; Mark Ramos na umiskor naman ng 6-3, 6-2 tagumpay laban kay Christian Imperial at Robert Llagas na namayani kay Eman Turiano, 6-1, 6-4 at pinaspasan naman ni Francis Agas si Geofranz de Lima, 6-1, 6-1.

Humataw rin ng panalo si Spyros Bernales sa kalabang si Cris Ballesteros sa straight set, 6-4, 7-5 upang makiagaw ng pansin.

Sa iba pang resulta, blinangko ni Akio Sy ng Manila si Buddy Badillo, 6-0, 6-0 upang palakasin ang kanyang kampanya sa CTW-organized netfest na ito na may suporta mula sa Adidas, Wilson balls at Sports Kids.

Show comments