^

PSN Palaro

Rañola nanalasa sa Balaguer chessfest

-
Dahil sa determinadong makuha ang kanyang ika-3 at final na IM norms, muling nagpasiklab ang 24th seed National Master na si Yves Rañola nang umiskor ito ng 1.5 puntos mula sa isang panalo at isang tabla sa third at fourth round sa pagpapatuloy ng hostilidad ng 2004 Balaguer International Open Chess Championships na ginaganap sa Balaguer, Spain. Itinala ni Rañola, umaa-sam na makukuha ang kanyang IM norms sa torneong ito ang kanyang panalo kontra sa hometown bet na si Jose Luis Ramon Perez matapos ang kanilang 35 moves Sicilian Defense-Accelerated Dragon Variation sa third round.

At sa pagpapatuloy ng fourth, hinatak ni Rañola ang kanilang laro ng 10th International Master Yuri Gonzales ng Cuba na madala sa draw upang makalikom ng kabuuang 3.5 puntos na naglagay sa Pinoy woodpusher na makasalo mula sa 2nd hanggang 11th place na kinabibilangan nina 2nd seed Super Grandmaster Aleksander Delchev ng Bulgaria, 3rd seed GM Vladim Burmakin ng Russia, 9th seed GM Mihkail Suba ng Romania, 12th seed IM Fernando Braga ng Italy, 14th seed Loan Cosma ng Romania,16th seed IM Peter Velicha ng Czech Republic, 22nd seed IM Herman Van Riemsdijk ng Brazil at 23rd seed IM Bernd Kohlweyer ng Germany.

Sa kabilang banda, hindi naman nasustinihan ni IM Ronald Bancod ang kanyang impresibong panimula nang matapos na umiskor ng dalawang sunod na panalo na nagdala sa kanya kahapon sa pansamantalang liderato, nalaglag naman ito makaraang patiklupin ng Super GM na si Delchev sa pakikisosyo sa ikatlong puwesto matapos na makalikom ng kabuuang 3 puntos sa pagtatapos ng ikaapat na round.

BALAGUER INTERNATIONAL OPEN CHESS CHAMPIONSHIPS

BERND KOHLWEYER

CZECH REPUBLIC

DRAGON VARIATION

FERNANDO BRAGA

HERMAN VAN RIEMSDIJK

INTERNATIONAL MASTER YURI GONZALES

JOSE LUIS RAMON PEREZ

LOAN COSMA

SEED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with