^

PSN Palaro

World Pool Championship: Reyes silat kay Manalo

-
Patuloy ang paninilat ni Marlon Manalo sa mga naglalakihan at pinagpipitaganang Pinoy masters nang sa pagkakataong ito si Efren ‘Bata’ Reyes naman ang kanyang pasikatan upang makausad sa quarte-finals ng World Pool Championships na ginaganap sa World Trade Center sa Taipei.

Ipinakita ng Asian snooker champion na si Manalo na maging sa 9-ball ay kaya niyang mamayagpag makaraang itala ang 11-4 panalo kontra sa 1999 World champion na si Reyes.

Nakapasok ang 28 anyos na si Manalo sa Last 16 nang gapiin niya ang paboritong si Francisco ‘Django’ Bustamante, 9-5.

Bagamat masakit na makaharap at talunin ang isang kababayan, kinaila-ngan pa rin ni Manalo na ipagmalaki ang kanyang tagumpay kontra kay Reyes, na ngayon la-mang niya naka-engkuwentro.

Mula sa 9-2 abante ni Manalo, na-scratch ang sargo nito sa 13th frame na nagbigay daan kay Reyes na linisin ang mesa para makahabol sa 3-10.

Ngunit tila ang suwerte ay nakaihip sa batang snooker ace, nang mata-pos ang 4-10 na paghahabol ni Reyes, nang sa kanyang pagtatangkang paghahabol ay tumama naman ang cue ball sa rail sa kanyang break sa 14th rack na gumulong papasok sa corner pocket na sanhi ng scratch at nagbigaydaan upang iselyo ni Manalo ang panalo.

Magaan na tinapos ang pitong nalalabing bola kabilang na ang 9-ball sa corner pocket, at pagkatapos ay agad na nagtungo sa kinaro-roonan ni Reyes para sa tradisyunal na pakikipag-kamay.

Nakatakdang makaharap ni Manalo ang palagiang bisita ng Manila na si Marcus Chamat ng Sweden na tinalo naman si Thorsten Schober ng Germany, 11-5, ang nagpatalsik kay Lee Van Corteza sa Last 64.

Dalawang Pinoy pa ang umaasam na mamakapasok sa quarterfinals. Ito ay sina Dennis Orcullo at Rodolfo Luat na kasalukuyang nakikipaglaban sa kani-kanilang karibal sa Last 16 habang sinusulat ang balitang ito.

Kapwa Taiwanese ang kalaban nina Orcullo at Luat sa katauhan nina Pei Wei Chang at Ching Ching Kang, ayon sa pagkakasunod.

Isa pang Pinoy ang umusad sa quarterfinals -- si Alex Pagulayan--ngunit Canada ang kina-katawan, na namayani naman kay Chien Che Huang, 11-7.

Isang krusiyal na bank shot sa black 8 ang gumulong sa corner pocket na nagbigay daan kay Pagulayan ng magaan na pagtumbok sa 9-ball at panalo para sa unang quarterfinals berth ng $350,000 event na ito na ‘live’ na napapanood sa STAR Sports.

ALEX PAGULAYAN

CHIEN CHE HUANG

CHING CHING KANG

DALAWANG PINOY

DENNIS ORCULLO

KAPWA TAIWANESE

LEE VAN CORTEZA

MANALO

MARCUS CHAMAT

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with