Ang pagkawala ni Torion na awtomatikong nasuspindi ng isang laro ay inaasahang magbibi-gay sa Red Bull ng higit na determinasyon at ins-pirasyong sa muling pakikipagharap sa Ginebra sa alas-6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum na siguradong dadayuhin na naman ngayon.
Na-thrown-out si Torion sa ikatlong quarter noong Game-Two dahil sa isang flagrant foul nang kanyang dagukan si Ginebra Import Torraye Braggs ngunit sa likod ng kanyang pagkawala ay nanalo ang Barakos, 107-104 na nagtabla ng best-of-five championship series sa 1-1 panalo-talo.
"I just want to give all credit to the boys. They won Game Two with sheer heart. They refuse to lose even under the circumstances that we lost Jimwell for an quarter and a half. Too bad it happened and I dont blame Jimwell because sometimes you really have to defend your manhood against bullies like Braggs. He kept hurting us through out the game and there is only a certain point you can take this things. Its a pity we lost Jimwell."
Nagmulta din si Torion ng P20,000 na na-reinstate lamang noong Marso mula sa kanyang one-conference suspension dahil din sa isang flagrant foul kay Jimmy Alapag ng Talk N Text noong nakaraang taon kung saan nabasag ang buto sa ilong ng Phone Pals guard na kanyang hinampas ng braso at kaya mayroon itong mabi-gat na warning na di dapat masangkot sa mga ganitong klaseng insidente.
Dahil sa nakaraang pangyayari, may naghihintay pa kay Torion ng mas mabigat na parusa.
Kahit wala si Torion, handa ang buong tropa ng Barakos na harapin ang crowd favorite na Ginebra. Na nabigong sundan ang 94-92 panalo sa Game-One.
"There a big effect sa amin, But well try to find ways to win without Jimwell. Marami na kaming dinaanan. Nothing comes easy for us. But we always find a way to win," ani Guiao. "Game Three is crucial. Whoever takes that (Game Three) has one foot inside the door."
Inamin naman ni Ginebra coach Siot Tan-quingcen na hindi magi-ging malaking bentahe sa kanila ang pagkakasuspinde ni Torion kaya uma-asa siyang matututo ang Ginebra sa kanilang mga pagkakamali sa Game-Two.
"Its crucial (pagkawala ni Torion) but its not gonna be a big plus for us be-cause coach Yeng plays all his 13 guys. Its not something new. Whoever steps up to the point be it (Junthy) Valenzuela, be it Topex (Robinson) or whoever, theyre used to the situation," ani Tan-quingcen na nagsabing ang maagang pagkaka-foul trouble ng kanilang mga key players na sina Braggs, Andy Seigle at Mark Caguioa ang naka-apekto ng kanilang diskarte sa Game Two. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)