Sa pang-umagang aksiyon sa Rizal Memorial Swimming Center, naka-limang golds na ang St. Jude dagdag sa kanilang 15-puntos na produksiyon kamakalawa.
Nakakuha ng ginto ang Green Mariners ng gold mula sa boys 12-under 200-meter medley relay, boys 9-under 50m butterfly mula kay Conan Chua, boys 11-12 50m butterfly mula kay Sean Wong, girls 11-12 50m fly mula kay Regine Yu at boys 13-14 50m fly mula kay Santhiel Chua.
Sa pagbubukas ng swimming competition kamakalawa, pinanguna-han ni Jacqueline Go ang pagbubukas ng kampan-ya ng St. Jude nang kumopo ito ng tatlong golds sa kabuuang 11-gintong sinisid ng Green Mariners.
Pinangunahan ni Go ang 25m breaststroke, backstroke at freestyle ng 9-10 girls division.
Matapos makalikom ng 15-golds kamakalawa dagdag ang kanilang produksiyon ngayon, pansamantalang hawak ng St. Jude ang pamu-muno sa overall medal standings na sinusundan ng Gymnastics Association of the Philippines na may 14 golds na nakolekta kamakalawa.
Pumukaw naman ng pansin ang mga double gold medalists sa swim-ming competition kahapon na sina Berino Gian ng UNO High School (boys 9-10, 200m indivi-dual medley at 100m free), Tessa Alcantara ng PCSST (girls 13-14 200m IM at 50m fly), Patricia Yam ng Brgy. 47 (girls 9-10- 200m IM at 100m free) at ang unattached na si Erika Visitacion (girls 11-12, 200m IM at 100m free).(Ulat ni Carmela V. Ochoa)