^

PSN Palaro

Manila Youth Games: St.Jude Tankers nanisid ng ginto

-
Matapos magpasiklab ang tankers ng St. Jude Green Mariners sa pagbubukas ng swimming kompetisyon kamakalawa, ipinagpatuloy nila ang pananalasa kahapon sa ikalimang araw ng aksiyon sa 3rd Manila Youth Games na ginaganap sa Rizal Memorial Sports Complex.

Sa pang-umagang aksiyon sa Rizal Memorial Swimming Center, naka-limang golds na ang St. Jude dagdag sa kanilang 15-puntos na produksiyon kamakalawa.

Nakakuha ng ginto ang Green Mariners ng gold mula sa boys’ 12-under 200-meter medley relay, boys’ 9-under 50m butterfly mula kay Conan Chua, boys’ 11-12 50m butterfly mula kay Sean Wong, girls’ 11-12 50m fly mula kay Regine Yu at boys’ 13-14 50m fly mula kay Santhiel Chua.

Sa pagbubukas ng swimming competition kamakalawa, pinanguna-han ni Jacqueline Go ang pagbubukas ng kampan-ya ng St. Jude nang kumopo ito ng tatlong golds sa kabuuang 11-gintong sinisid ng Green Mariners.

Pinangunahan ni Go ang 25m breaststroke, backstroke at freestyle ng 9-10 girls division.

Matapos makalikom ng 15-golds kamakalawa dagdag ang kanilang produksiyon ngayon, pansamantalang hawak ng St. Jude ang pamu-muno sa overall medal standings na sinusundan ng Gymnastics Association of the Philippines na may 14 golds na nakolekta kamakalawa.

Pumukaw naman ng pansin ang mga double gold medalists sa swim-ming competition kahapon na sina Berino Gian ng UNO High School (boys’ 9-10, 200m indivi-dual medley at 100m free), Tessa Alcantara ng PCSST (girls’ 13-14 200m IM at 50m fly), Patricia Yam ng Brgy. 47 (girls’ 9-10- 200m IM at 100m free) at ang unattached na si Erika Visitacion (girls’ 11-12, 200m IM at 100m free).(Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BERINO GIAN

CARMELA V

CONAN CHUA

ERIKA VISITACION

GREEN MARINERS

GYMNASTICS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

HIGH SCHOOL

JACQUELINE GO

MANILA YOUTH GAMES

ST. JUDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with