^

PSN Palaro

Shakey's V-League Finals

-
Kapwa pinalakas ng talento at dynamic spikers, tututukan nang dalawang koponan sa kanilang depensa ang pagbubukas ng University of Santo Tomas at De La Salle sa kanilang best-of-three titular showdown para sa korona sa Shakey’s V-League sa Lyceum Gym.

Ngunit mataas ang kumpiyansa ng UST netters, na mula sa kanilang matagumpay na title series, makaraang manguna sa elims at semis sa opensa, block, receiving at serve kung kaya’t mas piniling maging underdog ni La Salle coach Ramil de Jesus dito sa serye.

Ang gametime ay nakatakda sa ganap na alas-3 ng hapon at ‘live’ na isasa-ere sa IBC-13.

Sa maraming nakapa-nood, balanse lamang ang duelo ng dalawang koponan kung saan naghati sila sa kanilang dalawang laro sa elims at nagposte ng magkatulad na bilang patungo sa finals ng torneong ito na itinataguyod ng Shakey’s.

Napagwagian ng España-based spikers sa kanilang unang pagta-tagpo, 25-16, 25-20, 22-25, 25-17, noong nakaraang May 30 bago nakaganti ang La Salle sa isang come-from-behind na 19-25, 19-25, 25-13, 28-26, 15-13 tagumpay noong June 20.

Kasunod nito, pina-yukod naman ng UST ang Lyceum Lady Pirates, 25-17, 23-25, 25-21, 25-14, habang iginupo ng La Salle ang San Sebastian Lady Stags, 25-20, 27-25, 25-23, upang ma-sweep ang kanilang asignatura sa semis para sa inaa-sahang title showdown.

Maghaharap naman ang San Sebastian at Lyceum sa ganap na alas-5 ng hapon para sa ikatlong puwesto.

vuukle comment

DE LA SALLE

ESPA

KANILANG

LA SALLE

LYCEUM GYM

LYCEUM LADY PIRATES

SAN SEBASTIAN

SAN SEBASTIAN LADY STAGS

SHAKEY

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with