Congrats sa SVMGI
June 22, 2004 | 12:00am
May kasamang suwerte talaga itong si Koy Banal. Nakaka-three conferences pa lamang sila ng PBL at heto nag-champion na. Tamang-tama ang kampeonato na iyon para sa kanyang FEU Tamaraw team sa pagbubukas ng UAAP. At least ensayado na ang team huwag lang silang mananamlay sa UAAP. Ika nga eh yung championship aftermath huwag sana nilang maramdaman.
Anyway congrats sa iyo Koy at sa Viva Mineral Water.
Siyang-siya ang mga manonood ng Shakeys V-League na ginaganap sa Lyceum gym.
Eh bakit nga ba hindi, bukod sa ang gagaling na nila ang gaganda pa nila. Lalong-lalo na sa La Salle team. Ika nga ng ka-officemate kong si Kamote" kung pwede ba daw siyang magkober ng volleyball. Akala ko naman coverage talaga ang habol yun pala gusto niyang koberan ang mga nag-gagandahang volleyball players.
Sa kuwento pa lamang ni Kamote hindi malayong matupad ang pangarap ng Sports Vision Management Group Inc. na maibalik ang glorya ng larong volleyball.
Kasi ngayon nagsisimula pa lamang ito, at kapag palagian na ang ganitong klaseng torneo, ibig sabihin unti-unti na ngang nagbabalik ang volleyball bilang pangunahing laro ng mga Pinoy.
Kaya congrats sa lahat ng bumubuo ng SVMGI at sa kanilang sponsor na Shakeys sa pagbibigay ng importansiya sa volleyball bilang sports ng bansa.
Yun lang!
Ang speaking of volleyball, ilulunsad naman ng San Miguel Corporation ang SMC Intermedia Mixed volleyball tournament sa pagpasok ng July.
Ibat ibang media from television, broadcast and print ang inanyayahang sumali sa torneong ito na naglalayong paglapitin ang mga media people.
Bongga di ba?
Siyanga pala baka makalimutan ko, congrats din sa CAO/STSC/OGC basketball team na nag-champion sa SMC-HOC interdepartment basketball tournament. Tinalo ng champion team na iginiya nina Robert Non at Sergio Alombro ang CKAG, 78-72.
Kasama din sa team sina Manny Liwag at Jules Laurente.
Anyway congrats sa iyo Koy at sa Viva Mineral Water.
Eh bakit nga ba hindi, bukod sa ang gagaling na nila ang gaganda pa nila. Lalong-lalo na sa La Salle team. Ika nga ng ka-officemate kong si Kamote" kung pwede ba daw siyang magkober ng volleyball. Akala ko naman coverage talaga ang habol yun pala gusto niyang koberan ang mga nag-gagandahang volleyball players.
Sa kuwento pa lamang ni Kamote hindi malayong matupad ang pangarap ng Sports Vision Management Group Inc. na maibalik ang glorya ng larong volleyball.
Kasi ngayon nagsisimula pa lamang ito, at kapag palagian na ang ganitong klaseng torneo, ibig sabihin unti-unti na ngang nagbabalik ang volleyball bilang pangunahing laro ng mga Pinoy.
Kaya congrats sa lahat ng bumubuo ng SVMGI at sa kanilang sponsor na Shakeys sa pagbibigay ng importansiya sa volleyball bilang sports ng bansa.
Yun lang!
Ibat ibang media from television, broadcast and print ang inanyayahang sumali sa torneong ito na naglalayong paglapitin ang mga media people.
Bongga di ba?
Kasama din sa team sina Manny Liwag at Jules Laurente.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended