Shakey's V-League: Krusiyal na panalo, asinta ng Letran
June 20, 2004 | 12:00am
Pipilitin ng Letran na makasalba pa sa elimination sa kanilang pakikipagtipan sa Lyceum habang tangkang ulitin ng walang talong University of Santo Tomas ang kanilang pamamayani sa La Salle sa pagbabalik-aksiyon ng womens volleyball sa Shakey V-League sa Lyceum gym.
May isang panalo pa lamang na naipakikita kontra sa limang talo, kailangang daigin ng Letran netters ang host sa pang-alas-4 ng hapon na laban para mapanatiling buhay ang kanilang pag-asa sa semis patungo sa huling dalawang araw ng event na itinataguyod ng Shakeys.
Sa kanilang unang pagtatagpo, tinalo ng Letran ang Lyceum, 25-22, 25-21, 22-25, 13-25, 15-12, noong opening ng torneong inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc. Ngunit magmula doon, napigil na ang Lady Knights sa kanilang sumunod na limang laro kabilang na ang 4-set loss kontra sa San Sebastian noong Huwebes.
Ang tagumpay ng Letran ay magpapanatili sa kanilang pag-asa sa huling semifinals berth bagamat nakasalalay din ang kanilang tsansa sa panalo kontra sa La Salle sa Huwebes at kabiguan ng Lyceum kontra naman sa FEU sa Martes.
Ang panalo naman ng Lyceum ngayon ay mag-bibigay sa kanila ng kasiguruhan para sa playoff ng huling slot sa semis.
Ang FEU, na katabla ang Letran sa duluhan, ay magtatangka ding makalusot sa susunod na round sa pamamagitan ng backdoor, at umasang mananalo sa Lyceum at sa San Sebastian sa Huwebes.
At sa kanilang nakasi-gurong puwesto sa semis, ang pangalan na lamang ang paglalaban ng UST at La Salle sa kanilang pagtatagpo ngayong alas-6 ng gabi bilang main game sa event na suportado din ng Accel at Mikasa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest