PBA Fiesta Conference: Pairing sa crossover semis malalaman
June 19, 2004 | 12:00am
Malalaman ngayon ang pairings sa crossover semifinals ng PBA Grand Matador Fiesta Conference sa pagtutuos ng apat na semifinalists sa PhilSports Arena.
Unang magtutuos ang sigurado nang top-two teams ng Group A na Talk N Text at Red Bull sa alas-4:10 ng hapon at sa ikalawang laro, magtutuos naman ang Group B semifinalists na Ginebra at Coca-Cola sa alas-6:30 ng gabi.
Base sa format, ang top-two teams ng bawat grupo pagkatapos ng single round robin ang uusad sa semifinals kung saan ang pairing ay no.1 kontra sa no. 2 ng kabi-lang grupo.
Nakikini-kinita na ang pagkopo ng Barakos sa no. 1 spot ng Group A dahil sa malaki nilang bentahe laban sa Phone Pals na di makakaasa kina Asi Taulava at import Jerald Honneycutt ngayon matapos suspindihin ni PBA Commissioner Noli Eala.
Bukod sa one-game suspension, pinagmulta rin ang dalawa ng tinatayang P100,000 dahil sa kanilang inasal sa isang bench clearing incident sa nakaraang panalo ng Talk N Text laban sa bisitang US Pro-Am team noong Miyerkules.
Ngipin sa ngipin naman ang magiging labanan ng Gin Kings at Tigers sa ikalawang laro dahil bukod sa no. 1 spot at malinis na record, nakataya din ang karangalan ng magkapatid na kumpanyang ito.
Dahil kumpleto na ang cast ng semifinals, wala nang bearing ang mga laro bukas sa pagitan ng University of British Co-lumbia at Alaska gayundin ang laban ng US Pro-Am team at San Miguel dahil pare-parehong talsik na ang mga ito sa kontensiyon.
Pride na lamang ang nakataya sa dalawang labang ito dahil pare-parehong bokya ang apat na teams na ito sa kanilang dalawang asignatura. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended