^

PSN Palaro

Walang kuwenta ang foreign teams sa PBA

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Mga walang binatbat ang mga foreign teams na isinali sa PBA Fiesta Cup.

Walang challenge sa mga local teams at hindi ko na marahil dapat pang i-elaborate dahil kitang-kita n’yo naman ang resulta ng laro.

Muntik pang magkaroon ng kaguluhan sa laro ng US-Pro-Am at Talk N Text.

At dahil talunan ang dalawang foreign team, pawang local PBA teams na ang nakasalang sa semis. Ito ay ang Red Bull, Ginebra, Talk N Text at Coca-cola.

Nawala sa eksena ang top two teams na San Miguel Beer at Alaska.

Anong nangyari?
* * *
Mabuti naman at nakapasok ang Ginebra sa semis. Gayun na rin ang Red Bull. Baka sakaling manumbalik ang sigla ng tao ay muling dayuhin ang mga PBA Games.

Sana nga...
* * *
Champion na ang Detroit Pistons sa NBA.

Tinalo nila ang star-studded Los Angeles Lakers na nagmukhang kawawa sa balwarte ng Pistons kung saan nakuha nila ang titulo.

Mahirap talaga kapag puro superstars ang nasa team tulad ng Lakers. Ika nga walang itulak-kabigin sa mga players. Lahat palaban. Sa kaso ng Pistons, wala namang superstar dito. Pero kitang-kita ang determinasyon sa kanila.

Eh bakit ba naman hindi, after 14 years makakasuot na rin sila ng championship ring. At yun din ang unang NBA title para kay coach Larry Brown.

Pero kahit na walang superstars ang Pistons, malakas at magaling na players sina Ben Wallace, Rasheed Wallace, Richard Hamilton at Chauncey Billups na tinanghal na MVP ng finals.
* * *
Belated Happy birthday kay Allan Caidic, ang team manager ng Barangay Ginebra. Gayundin kay Bong Alvarez na nasa Amerika at nakikipagsapalaran ng kanyang career sa Valleydawgs. Ano na kaya ang balita dito?

ALLAN CAIDIC

BARANGAY GINEBRA

BELATED HAPPY

BEN WALLACE

BONG ALVAREZ

CHAUNCEY BILLUPS

DETROIT PISTONS

RED BULL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with