^

PSN Palaro

SSC,La Salle umusad sa semis

-
Nakipagtunggali ang San Sebastian College at La Salle sa kani-kanilang kalaban at mahatak ang panalo kontra sa Letran at Far Eastern University upang makausad sa semifinal round ng Shakey’s V-League wo-men’s volleyball tournament sa Lyceum gym kahapon.

Winakasan ng SSC netters ang three-game losing streak 25-20, 20-25, 25-22, 25-20 panalo kontra sa Muralla-based na karibal habang lumaban ang Lady Archers mula sa isang set na kabiguan upang maagaw ang kapana-panabik na 25-19, 23-25, 21-25; 25-18; 15-10 laban naman sa Lady Tams sa isa pang laro.

Dahil dito, ang La Salle ay makakasama ang walang talo na University of SantoTomas (6-0) sa semis na may 5-1 (win-loss) marka kung saan ang kanilang tagumpay ay nagbigay sa SSC na libreng daan patungo sa susunod na round kung saan asam ng Lyceum na maitala ang ikaapat at huling puwesto sa pamamagitan ng panalo sa kanilang huling dala-wang laro sa event na itinataguyod ng Shakey’s.

"Kailangan talaga naming manalo para tumaas uli ang morale ng mga bata," ani SSC coach Rogelio Gorayeb, na binigyang kredito ang mahusay na depnsa ng kanyang mga bataan.

Pinamunuan nina center spiker Angela Descalsota at setter Jinni Mondejar ang atake ng San Sebastian sa pama-magitan ng malulutong na spikes na nag-produce ng pinagsamang pagsisikap na 43 puntos habang sinuportahan ng mga kakampi ng solidong depensa na nagpatigil sa Letran netters.

Nagtangka pa ang Lady Knights na palawigin ang laban sa isa pang set nang magbakbakan sila sa 13-19 hanggang sa 20-21. Ngunit isang perpek-tong set-up ang inilatag ni Ma. Elena Mayo kay Des-calsota na dinagdagan ng Lady Stags ng tatlo pa kabilang na ang dala-wang service points na naging daan para hindi na maibalik ng kalaban.

Bunga ng kabiguang ito, hindi na kasama sa karera para sa semis ang Muralla-based netters makaraang malasap ang ikalimang kabiguan kon-tra sa isang panalo patungo sa tatlong huling laban ng elims sa event na inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc. at suportado din ng Accel at Mikasa.

ANGELA DESCALSOTA

ELENA MAYO

FAR EASTERN UNIVERSITY

JINNI MONDEJAR

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY KNIGHTS

LADY STAGS

LADY TAMS

LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with