6th win sinakmal ng Tigress
June 16, 2004 | 12:00am
Napasok sa see-saw ang laban sa unang tatlong sets, ibinuhos lahat ng University of Santo Tomas ang init sa ikaapat na set at isara ang lahat ng nalalabing pag-asa ng Far Eastern University na makahugot ng panalo nang hatakin ng Tigress ang 26-24, 25-27, 25-22, 25-8, panalo na kanilang ikaanim sa Shakeys V-League sa Lyceum Gym kahapon.
Nagising si Mary Jean Balse sa hindi magandang panimula kasama ang mga kakampi at dinomina ang ikaapat na set sa inaasahang laro ng Tigress upang pigilan ang Lady Tamaraws sa pama-magitan ng kanilang matitinding kills at mala-pader na depensa.
Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na nakapuwersa ang pina-paborang UST netters sa four-set game matapos na bigyan sila ng malaking pagbabanta ng Lyceum Lady Pirates bago tuluyang ibulsa ang 25-13, 21-25, 25-20, 25-23, noong nakaraang Linggo sa event na itinataguyod ng Shakeys at ipinapalabas ng live sa IBC-13.
Bunga ng kabiguang ito, nalagay ang Lady Tamaraws na nalaglag sa 1-4 record kailangang ipanalo ang nalalabing laro upang mapanatiling buhay ang pag-asa sa event na inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest