^

PSN Palaro

Shakey's V League: La Salle kontra San Sebastian

-
Umaasa ang reigning UAAP champion La Salle na makalabas mula sa apat na araw na pahinga matapos umiskor ng back-to-back na panalo sa kanilang pakikipagtipan sa San Sebastian ngayon sa Shakey’s V-League sa Lyceum gym.

May pinaghalong magandang mukha at talento, pinapaboran ang Lady Archers na makukuha ang ikalawang sunod na panalo upang makabangon sa 4-set loss kontra sa University of Santo Tomas (4-0) at kasama ang Lady Stags sa No. 2 spot sa 2-1 (win-loss) slate.

Ngunit umaasa si La Salle coach Ramil de Jesus at ang kanyang mga bataan na nagreyna sa University Games noong nakaraang taon at kampeon sa CHED Games sa Bacolod City noong nakaraang buwan ang mahigpitang laban kontra sa SSC squad sa kanilang pang-alas-3 ng hapong engkuwentro.

Inaasahang hahatak ng atensiyon para sa La Salle ang UAAP MVP noong nakaraang taon na si Desiree Hernandez, Manila Santos, Carissa Gotis, Ivory Ablig, Nicole Ann Remulla at skipper Maureen Penetrante.

Gayunpaman, ang Lady Stags ay malamang na hindi pa rin makakaasa sa serbisyo ni lead setter Ma. Elena Mayo na may tigdas at hindi nakalaro sa kanilang laban kontra sa Tigress kung saan tinalo sila sa iskor na 28-26, 25-22, 26-24.

Samantala, susubukan naman ng Lady Knights at Lady Tamaraws na madugtungan ang kanilang pag-asa sa kanilang paghaharap sa pang-alas-5 ng hapong bakbakan.

vuukle comment

BACOLOD CITY

CARISSA GOTIS

DESIREE HERNANDEZ

ELENA MAYO

IVORY ABLIG

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY KNIGHTS

LADY STAGS

LADY TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with