^

PSN Palaro

SSC vs Letran para makisosyo sa liderato

-
Magbabalik aksiyon ang bigating volleyball ngayon sa paghaharap ng San Sebastian College at Letran para makisosyo sa liderato sa wala pang talong University of Santo Tomas sa Shakey’s V-League sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.

Ang laban ay nakatakda sa ganap na alas-5 ng hapon sa duelong inaasahang magiging mahigpit ay kapana-panabik sa Lady Stags na pinalakas ng pangunahing spikers ng torneo na sina Jeanne Espo-long, Angela Descalsota, Jinni Monedejar at rookie Lorence Ann Latigay para ipantapat sa troika nina Joana Marie Fer-nando, Khristine Basco at Bangladesh Pantaleon.

Sa engkuwentro naman na wala pang panalong team, makakaharap ng reigning UAAP at University Games champion La Salle ang karibal nilang FEU sa pang-alas 3 ng hapon na salpukan sa liga na itinataguyod ng Shakey’s at inorganisa ng Sports Vision Management Group Inc.

Bukod sa kanilang kakayahan, maari ring gamitin ng Lady Archers ang kanilang hitsura sa pangunguna ng 22 anyos na si Nicole Ann Remulla, ang batang kapatid ng dating La Salle standout at beach volley veteran na si Ivy, upang humatak ng atensiyon sa mga manonood.

Sa pangunguna ni national mainstay Mary Jean Balse, ipinoste ng UST ang unang sunod na panalo ng torneo sa pamamagitan ng 25-20, 25-23, 25-17 tagumpay kontra sa wala pang panalo na Lyceum upang makuha naman ang solo liderato.

Ang mga laban ay mapapanood ng ‘live’ sa IBC-13 at libre ang panonood sa Lyceum gym.

ANGELA DESCALSOTA

BANGLADESH PANTALEON

JEANNE ESPO

JINNI MONEDEJAR

JOANA MARIE FER

KHRISTINE BASCO

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY STAGS

LORENCE ANN LATIGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with