Nanalo si Franz Pumaren bilang konsehal sa 3rd district ng QC. Nanalo rin si Atoy Co bilang konsehal sa Pasig and take note, siya ang lumabas na numero unong konsehal. Si Yoyong Martirez ay nanalo bilang vice-mayor sa Pasig. Si Jack Santiago ay nanalo rin bilang konsehal sa Malabon. nanalo rin si Tito Varela na vice-mayor ng Caloocan.
Nanalo na rin si Dodot Jaworski bilang congressman sa Pasig. At si Yeng Guiao na ang bagong vice-governor ng Pampanga.
Kabilang daw sa mga natalo ay sina Philip Cesar sa San Juan, Roel Nadurata sa Caloocan, Pido Jarencio sa third district ng Manila, at Sonny Cabatu bilang board member sa isang probinsiya.
Congratulations sa mga nanalong sportsmen at sa mga natalo, try again next time.
Ang University of Perpetual Help College of Rizal ang siyang host ngayong taon na ito kaya naman aligaga ang mga taga-UPHR dahil siyempre, gusto nila eh bongga ang opening na gagawin sa Araneta Coliseum.
Sa ngayon, matindi ang ginagawang pagpa-practice ng mga cheerleaders mula sa 8 schools.
Ang Studio 23 pa rin ang siyang hahawak ng coverage sa TV kaya tiyak na oks pa rin ito.
A few days after that, ang UAAP naman ang magbubukas at sa Araneta Coliseum din ito gagawin. La Salle naman ang siyang host ng UAAP season.
Wala namang gaanong pagbabago sa mga teams except sa San Beda na ang coach na ngayon ay si Nash Racela, at at si Loreto Tolentino na ang coach ng PCU at hindi na si Jimmy Mariano.
Iba na rin ang coach ng juniors ng La Salle Greenhills at ng PCU.