^

PSN Palaro

3rd Asian Olympic Qualifying Tournament: Sri Lankan laglag kay Tanamor

-
KARACHI, PAKISTAN --Nagbigay ng munting pag-asa si Harry Tanamor sa kampanya ng RP-Alaxan FR team sa 3rd Asian Olympic boxing qualifying tournament sa KPT Sports Complex dito.

Ang 25 anyos na si Tanamor ng Philippine Army ay magaan na umabante sa quarterfinals ng 48 kg. (flyweight) makaraang bugbugin ang Sri Lankan na si Harsha Kumara para sa Referee Stopped Contest Outscored (RSC-OS), 25-5, na sapat na dahilan upang magsaya ang Pambansang delegasyon na pinondohan ang biyahe dito ng Alaxan FR, Philippine Sports Commission (PSC), Pacific Heights at Accel.

Ngunit mabilis na naputol ang pagdiriwang nang sorpresang mabigo si Junard Ladon kay Terukado Shoyama ng Japan, 20-33, sa 57 kg. (featherweight) bout na malinaw na panalo ng Pinoy.

"Hindi kaya nagkabaligtad ‘yung score," pagtatakang wika nina RP coach George Caliwan at Pat Gaspi.

Sa apat na rounds ang tubong-Bago City na si Ladon ay nakipagpalitan ng matatalim na suntok at mas madalas na nakakapagbigay ng mas matinding suntok at epektibong kombinasyon ang Pinoy sa kalabang Hapones.

Ngunit laking pagkadismaya ni Ladon at ng RP delegation nang ibang pangalan ang idineklarang winner matapos ang laban.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Manny Lopez sa nangyari ngunit pinagsabihan sina Tanamor at Basadre na maging pokado pa rin sa mas malaking laban na nakatakda sa kanila.

Makakaharap ni Tanamor ang malakas na Kazakhstan pug na si Abdraimov Nurlan, na nagwagi naman kay Malaysian Zamzai Azazi Mhd., 34-16 sa preliminary round.

ABDRAIMOV NURLAN

ALAXAN

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASIAN OLYMPIC

BAGO CITY

GEORGE CALIWAN

HARRY TANAMOR

HARSHA KUMARA

JUNARD LADON

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with