^

PSN Palaro

Pinoy boxers pupunta sa Pakistan

-
Mahirap ang daan patungo sa Karachi, Pakistan para sa 3rd Asian Boxing qualifying tournament.

Gayunpaman, umaasa ang Amateur Boxing Association of the Philippines na magiging matagumpay ang kanilang biyahe dito.

Kahapon, umalis ang RP-Alaxan FR boxing team patungo sa Southern Asian Republic bitbit ang pag-asang makukuha ang isang final slot sa posibleng puwesto sa Athens Olympics.

Umaasa si ABAP president Manny Lopez na madagdagan ng isa o dalawa pang boksingero ang team na may tatlo nang naunang boxers na sina Romeo Brin, Chris Camat at Violito Payla na ka-kampanya para sa mailap na gintong medalya sa Athens.

"We at ABAP are very optimistic that we’ll be able to get several more Olympics slots," ani Lopez sa PSA Forum kahapon sa Manila Pavilion kung saan kasama niya sina Brin, Camat at Payla at buong squad bago magtungo sa tinaguriang "Chowdry country" ng ABAP, dahil ito ang bansa ng International Amateur Boxing Association president Prof. Anwar Chowdry.

Nakalaan para sa kampanya ng Pinoy na magsisimula sa Mayo 5-13 ay si lightflyweight Harry Tanamor, ang natatanging RP boxer na kumuha ng gintong medalya sa Vietnam SEA Games, ngunit nabigong makakuha ng tiket sa dalawang nakaraang Asian Qualifying na ginanap sa Puerto Princesa, Palawan at Guangzhou, China, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang kasama sa team na ang biyahe ay suportado ng Alaxan FR, Philippine Sports Commission, at Pacific Height ay sina Ferdie Gamo (bantamweight), Junard Ladon (featherweight) at Jennibert Basadre (lightweight) kasama sina coach George Caliwan at Pat Gaspi.

Pagkatapos ng kanilang kampanya sa Pakistan, ang boxing team ay tutungo sa Europa para sa dalawang buwang pagsasanay bilang bahagi ng kanilang preparasyon sa Olympics.

ALAXAN

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANWAR CHOWDRY

ASIAN BOXING

ASIAN QUALIFYING

ATHENS OLYMPICS

CHRIS CAMAT

FERDIE GAMO

GEORGE CALIWAN

HARRY TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with