^

PSN Palaro

Tour Pilipinas 2004: Tumagilid sila kay Tanguilig

-
BAGUIO CITY-- Matapos mapagtagumpayan ang unang hamon ng bulubunduking siyudad na ito, binalikan ng masamang nakaraan si STAR carrier Enrique Domingo. Kahapon, pag-katapos ng Baguio-to-Baguio Stage 15 ng 2004 Tour Pilipinas lumitaw ang bagong hari ng tinaguriang ‘Killer lap" at ito ay si Rhyan Tanguilig.

Tulad ng mga nakaraang pangyayari sa mga nagdaang tour, pagdating sa malamig na lungsod na ito, muling nahubaran ng yellow jersey ang Postmen team captain na si Domingo nang bawiin ito sa kanya ni Tanguilig, ang PLDT team skipper na nanguna sa maka-ubos-hiningang yugto na ito.

"Andiyan na ‘yan, paninindigan ko na." wika ng 25 anyos na si Ta-nguilig na nakaipon ng kabuuang oras na 64 hours, 35 minutes at 10 seconds na siyang una ring tumawid sa finish line sa tiyempong 5:53:41 matapos ang 199.7 kil-metrong karera na bumaba sa Marcos Highway, umakyat sa Naguillan Road, bumaba uli sa Marcos at umahon sa Kennon Road, ay nauna ng 23.20 minuto kay Domingo.

Bukod sa P10,000 stage prize, nagsubi din si TanguIlig ng P25,000 bilang Killer lap champion na iginawad ni Tour chairman Bert Lina, president ng PhilCycling at Tour organizer Lito Alvarez.

Bagamat nakapagpundar ng malaking distansiya kay Domingo na nalaglag sa ikapitong puwesto at 13.25 minutong layo patungo sa huling dalawang stages ng karerang ito na suportado ng Pharex, Lactovitale, Gatorade, Red Bull, Elixir Bike-shop, Summit at Isuzu, isa pa ring Postmen rider ang magiging panganib sa kanya.

Mula sa fourth place at siyam na minutong distansiya sa yellow jersey, may 4:51 minuto na lamang ang agwat sa overall leader ang two-time stage winner na si Lloyd Reynante na siyang pumangalawa kay Tanguilig ng isang segundo lamang. Third placer naman si Victor Espiritu ng Beer na Beer na may 2.25 distansiya stage winner.

Bumaba naman ang dating second placer na si Albert Primero ng Dole na may 6:27 minutong agwat kay Tanguilig.

"Pagdating sa Lion’s head, singkit na ang mata ko. Talagang ‘yung bigat na lang ng katawan ko ang nagdala sa akin. Groggy na talaga ako," ani Tanguilig na muling magsusuot ng yellow jersey sa palusong at halos patag na 177.9 km Baguio-to-Tarlac stage. " Lahat ng nasa top 10, mabibigat na kalaban ‘yan. Pipilitin kong sumabay. Medyo takot kasi ako sa lusong."

"Hindi ko talaga maintindihan. Pagdating dito sa Baguio, nahuhubaran ako ng yellow jersey," naiiling na wika ni Domingo na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakuha ang overall sa bayang ito kamakalawa kung saan madalas ay naagaw sa kanya ang liderato sa mga nagdaang karera. "Sumasakit na naman kasi yung injury ko. Sa unang ahon pa lang, naramdaman ko na masakit, yung puwet ko. Talagang pinuwersa ko na lang. Kung wala sana akong nararam-daman, kaya ko sana kahit dumikit man lang," ani pa ng three-time Sprint King na apektado pa rin ng kanyang pagkakasemplang sa Stage 10. "Masyado na akong malayo (sa yellow jersey), pero pipilitin ko pa ring makahabol.

Ang tanging konsolasyon na lamang ni Domingo ay nasiguro na nito ang kanyang ikaapat na Sprint King title na may premyong P50,000 sa kanyang naipong 46 puntos na ang pinakamahigpit niyang kari-bal na si Reynante naman ay may 23 lamang.

Bukod pa dito, halos nakakasiguro na rin ang Postmen team ni Domingo ng P1 million team champion prize dahil lalong lumaki ang kanilang distansiya sa 28:23 minuto sa pumapangalawang Beer Na Beer, habang nasa ikatlo ang Dole.

Kinuha naman ni Reynante ang titulong King of the Mountain at premyong P50,000 sa kanyang kabuuang 54 puntos. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ALBERT PRIMERO

BAGUIO STAGE

BEER NA BEER

BERT LINA

BUKOD

CARMELA V

DOMINGO

SPRINT KING

TANGUILIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with