Gaya ng nakalipas nilang mga laban, ang mga locals at hindi ang import ang sinandigan ng Barakos sa labang ito upang maitala ang ika-2 sunod na panalo at mapalawig ang pangkahalatang kartada sa 6-4. Ang Phone Pals ay bumulusok sa 6-5.
Sa pangununa ni Davonn Harp, isang 22-6 run ang pinakawalan ng Red Bull sa unang 10 minuto ng laro upang burahin ang 0-5 pagkakabaon at iposte ang 22-11 bentahe.
Ito ay napalobo pa nila sa 20 puntos,. 34-14 may 10:18 sa ikalawang yugto bago nagsagawa ng malaking pagbangon ang Talk N Text.
Ang laban ay huling nagtabla sa 102-all matapos ang triple ni Jimmy Alapag may 2:11 ang nalalabi. Ang split freethrow ng bagong import na si Corey Hightower at ang puttback ni Harp may 58 segundo sa orasan ang nagbigay sa Barakos ng 3 puntos na abante na agad namang ibinaba ng Phone Pals sa isa sa pamamagitan ng jumper ni Willie Miller.
"Malaking bagay talaga si Jimwell sa amin. One thing that we lost during the last 4 months was the type of contributions he makes," ani coach Yeng Guiao. (Ulat ni Ian Brion)