^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: 4 na koponan sasabak: Sino ang makakauna ?

-
Ang maisukbit na ang mailap na pambuena-manong tagumpay ang aasintahin ng lahat sa apat na koponang sasabak ngayon sa pagbabalik ng hostilidad sa Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Pasig Sports Center.

Magsasalpukan ang Lee Pipes-Ateneo at Montana Pawnshop sa unang sultada sa alas-dos ng hapon habang magpa-pang-abot ang Blu Star Advance at Toyota Otis-Letran sa ika-4 ng hapon, kung saan kumpiyansado ang lahat ng koponang ito na kanila nang makakamit ang panalong nabigo nilang maiposte sa unang linggo ng torneo.

Galing sa magkatalikod na kabiguan sa ka-may ng Sunkist-UST (3-0) at defending champion Hapee Toothpaste (2-1), ang Blue Eagles ay uma-asa na ang dalawang larong ito, gayundin ang mahigit isang linggo nilang pamamahinga sa aksyon ay sapat na upang mapahinog ang kanilang sarili at maibalik ang koponan sa kontensyon.

Ang Lee Pipes ay inaasahang pangungunahan nina Larry Fonacier, JC Intal, Niño Gelig at LA Tenorio habang sina Jon Dan Salvador, Mael Junio, Al Magpayo at Alwyn Espiritu naman sa panig ng Montana.

Samantala, gaya ng nakalipas nilang dalawang asignatura -- ang pagyuko sa Viva Mineral Water (2-1) at Welcoat Paints (3-0) --ang Knights ay sasalang sa labang ito bilang dehado. Ito ay sapagkat ang kanilang haharapin ay ang isa sa pinaka-beteranong koponan sa liga, ang Detergent Kings. (Ulat ni Ian Brion)

vuukle comment

AL MAGPAYO

ALWYN ESPIRITU

ANG LEE PIPES

BLU STAR ADVANCE

BLUE EAGLES

DETERGENT KINGS

HAPEE TOOTHPASTE

IAN BRION

JON DAN SALVADOR

LARRY FONACIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with