Si Tierro na lumaro sa kauna-unahang pagkakataon sa koponan ay naglabas ng mahusay na performance sa kanilang unang set na laban sa reverse singles.
Kinuha ni Hui ang 3-1 kalamangan sa unang set bago bumangon si Tierro nang kanyang mapagwagian ang sumunod na tatlong games at itala ang 4-3 kalamangan.
Napigilan ni Hui ang kanyang serbisyo kung kayat nakatabla ang Intsik sa 4-4, gayunpaman, agad ding nakabangon si Tierro na kanyang ipinanalo ang dalawang sunod na games upang tapusin ang kanilang unang set na labanan.
Binuksan ni Hui ang ikalawang set sa bisa ng break, pero kinuha naman ni Tierro ang sumunod na apat na games at itala ang 4-1 kalamangan.
Pinilit pa rin ni Hui na makabalik nang siya naman ang sumungkit ng dalawang sunod na games at makalapit sa 3-4, ngunit ito na ang kanyang huling porma nang agad ding makabawi sa kanyang porma si Tierro at tuluyan nang itiklop ang kanilang laban.
Taliwas naman kay Tierro, si Victorino ay sumabak sa aksiyon na hindi na maganda ang kanyang kalusugan mata-pos na lumasap ng heat stroke bago pa man magsimula ang team training ng koponan para sa Davis Cup tie na ito at masyadong nasaktan ang kanyang kaliwang bukung-bukong.
Kapwa naman masaya sina coach Martin Misa at ang non-playing captain na si Johnny Jose sa naging performance ng RP team na pinangangasiwaan ni Cebuana Lhuillier Jean Henri Lhuillier.