Si Samboy Lim at ang kanyang Skywalker Basketball Camp

The last time na nagkita kami ni Samboy Lim ay noong nakaraang Friday kung saan guest ito sa SCOOP sa Kamayan sa may Padre Faura, Malate, Manila.

Nakakatuwang makita na hanggang ngayon ay pinagkakaguluhan pa rin siya ng mga tao at nagpapapirma pa ng autograph sa tinaguriang "Skywalker" ng PBA.

Si Samboy kasi yung nakilalang player na mabait at wala kang masamang balitang narinig tungkol sa kanya. Pati sa playing attitude niya na bagamat laging injured ito, once na naglaro na ito parang hindi galing sa injury at 100% lagi ang performance.

Talagang idol ng lahat mapabata man o matanda.

At kaya nga pala naging guest ito sa SCOOP ay dahil sa kanyang inilulunsad na basketball camp ang "Skywalker Basketball Camp" na sisimulan sa April 12 sa Adidas Sports Kamp sa Global City.

Kung ang mga basketball camp ay halos concentrated sa mga young boys or girls, itong kay Samboy ay pati na ang mga may edad na gusto pa ring matuto ng basketball ay open sa kanila.

Bukod sa mga basketball skills, ituturo din ni Samboy ang ilang sekreto niya sa pagpapanatiling nasa porma at kalugod-lugod na pangangatawan.

So go na kayo at mag-enroll na.
* * *
At heto pa ang isang basketball camp.

Ang magkapatid na Olsen at Nash Racela ay magtatanghal din ng camp ngayong summer sa Ateneo covered courts.

This time, ang pagiging mahusay nilang point guard ang kanilang isi-share sa mga bata. Ito ay from April 17 to May 15. So sa lahat ng interesadong maging mahusay na point guard in the near future, enroll na kayo sa MPG office sa Unit 602, Manila Luxury Condominium, Pearl Drive corner Goldhoop, Ortigas Center o tumawag sa 6353257 at hanapin si Jane o Vannie para sa ilang detalye.

Ang registration fee ay P2,500 para sa 10 session camp na kabibilangan ng pagbisita sa practice ng PBA team. Lahat ng aplikante ay tatanggap ng training shirt at ball.

Show comments