^

PSN Palaro

P300 hanggang P 400M gagastusin sa venues para sa Manila SEA Games

-
Gagastos ng P300 hanggang P400 milyon ang gugugulin ng Philip-pine Sports Commission sa renovation ng mga venues na gagamitin para sa 2005 Southeast Asian Games na iho-host ng bansa.

Ito ang estima ni Chairman Eric Buhain ng Philippine Sports Com-mission na siyang inatasan ng Philippine SEA Games Organizing Com-mittee (PHILSOC) na pinamumunuan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit na mangasiwa sa gagamiting sports facilities.

"Siguro nasa P300 to P400 million on the next 20 months ang gastos. It was originally up to mga P606 million for the next two years, but with the situation na hindi naman pala lahat ng facilities ay gagamitin, okay naman tayo sa P300 to P400 million," sabi ni Buhain.

Ang PHILSOC naman ang siyang mangangasiwa sa pag-oorganisa ng SEA Games na iho-host ng bansa sa ikatlong pagkakaton matapos itong ganapin sa bansa noong 1981 at 1991.

Ang magiging ‘main hub’ ng SEA Games ay ang Manila kung saan matatagpuan ang Rizal Memorial Sports Complex.

May mga events din na gaganapin sa Pasay, Makati, Pasig, Paraña-que, Subic Bay Freeport, Cavite at Bacolod.

Naunang sinabi ni Dayrit na hindi siya hihingi na kahit na isang kusing mula sa PSC para sa pagho-host ng biennial meet ngunit binigyan din niya ang ahensiya ng papel sa pag-oorganisa ng event na ito. (Ulat ni CVOchoa)

BACOLOD

CELSO DAYRIT

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

GAMES ORGANIZING COM

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COM

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SPORTS COMMISSION

SUBIC BAY FREEPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with