PBA Fiesta Conference: Alaska pipigilan ng Red Bull
March 25, 2004 | 12:00am
Mainit na mainit ngayon ang Alaska kayat tatangkain ngayon ng Red Bull na pigilan ang Aces sa kanilang nakatakdang pagsasagupa sa Cebu City sa pagpapatuloy ng PBA Gran Matador Fiesta Conference.
Nasa ikalawang puwesto na ngayon ang Alaska taglay ang 5-1 panalo-talo sa likod ng nangungunang San Miguel na may malinis na 6-0 kartada.
Ito ay dala ng kanilang apat na sunod na panalo at hangad nilang dugtu-ngan ito sa pakikipag-harap sa Barakos sa alas-5:30 ng hapon sa Cebu City Coliseum.
Umaasa si Red Bull coach Yeng Guiao na may ilalabas pang galing ang kanilang bagong import na si De Angelo Collins na nakapag-pahinga ng husto.
Sa kanyang debut game, tumapos lamang ito ng 13-puntos dahil halos isang quarter lamang itong nakapaglaro sa kanilang 99-90 panalo laban sa Barangay Ginebra dahil dumating lamang ito ng alas-5:00 ng umaga ng kanilang laro kaya may jetlag pa ito.
Ngunit may dala itong pag-asa sa Barakos dahil sa kanyang mahusay na outside shooting bunga ng kanyang tatlong tres sa first quarter.
Sa kaugnay na balita, opisyal na itinalagang bagong head coach ng Shell velocity si Leo Austria bilang kapalit ng sinibak na si American John Moran.
Makakatapat nito ang all-around import ng Aces na si Galen Young na siyang susi sa sunud-sunod na panalo ng Alaska.
Makakatulong ni Collins sina Davonn Harp, Mick Pennisi at Enrico Villanueva laban sa Aces na pangungunahan naman nina Young katulong sina Ali Peek, Brandon Lee Cablay, Don Carlos Allado, Rob Duat, rookie Sonny Thoss at Mike Cortez.
Samantala, pinagmulta ng Bureau of Immigration ang American import ng Red Bull na si Collins dahil sa paglalaro nito ng walang special working permit.
Si Collins ay pinagmulta ng halagang P20,000 dahil naglaro ito noong Marso 20 kontra sa Gin Kings ngunit wala pang working permit mula sa BI at nagsumite pa lamang ito ng kanyang aplikasyon noong Lunes. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am