Si Allan Caidic at Alvin Patrimonio
March 23, 2004 | 12:00am
Marami ang nalungkot nang sibakin bilang head coach ng Barangay Ginebra si Allan Caidic. Sa kabilang dako marami din ang nasiyahan lalung-lalo na ang kanyang mga kritiko na matagal nang nagsasabing dapat noon pa.
Marami din ang nagsasabing masyadong hilaw pa si Caidic para sa isang coaching job lalo na sa Ginebra na sa paningin ng marami ay isang malakas na team.
Ayon pa nga sa iba, puwede pang maglaro si Caidic kaya dapat daw ay binigyan muna siya ng pagkakataon na maglaro at pansamantalang mag-aral na mag-coach.
Kanya-kanyang pananaw iyan at kanya-kanyang opinyon, saganang akin, masasabing siguro nga hilaw pa si Caidic sa pagko-coach. Bata pa si Allan at marami pang darating sa kanya. Siguro nga mas gugustuhin ko munang sa loob ng limang taon niyang pagko-coach sa Ginebra ay iginugol niya muna sa paglalaro dahil isa siyang mahusay at dina-dakilang manlalaro hindi lamang dito sa ating bansa kundi maging sa ibang bansa.
Pero sa ngayon, well, ibang usapan na.
Sa tantiya ko, bukod sa pagiging team manager ni Allan eh dapat sigurong sumailalim siya sa coaching clinic sa Amerika.
Anong sey nyo?
Sa nangyari kay Allan, dapat siguro sa ngayon pa lamang ay magka-ideya na si Alvin Patrimonio dito. Maugong kasi ang balitang ito na ang huling season ni Patrimonio at sa katunayan lahat ng maari niyang maitala bilang career achievement ay ngayon na niya kinuha bilang preparasyon sa kanyang pagreretiro sa susunod na taon. Bagamat very vocal si Alvin sa pagsasabing kaya pa niyang maglaro, nakalaan na ang isang puwesto sa coaching staff ng Purefoods para sa kanya.
Siguro dapat ding i-set na niya ang kanyang isip na next year magko-concentrate muna ako sa pag-aaral sa coaching bago ako tuluyang maisabak sa aktuwal na trabaho. Kaya puwedeng kapag wala siyang laro ay magsimula na siyang umatend ng coaching clinic.
Di ba?
Marami din ang nagsasabing masyadong hilaw pa si Caidic para sa isang coaching job lalo na sa Ginebra na sa paningin ng marami ay isang malakas na team.
Ayon pa nga sa iba, puwede pang maglaro si Caidic kaya dapat daw ay binigyan muna siya ng pagkakataon na maglaro at pansamantalang mag-aral na mag-coach.
Kanya-kanyang pananaw iyan at kanya-kanyang opinyon, saganang akin, masasabing siguro nga hilaw pa si Caidic sa pagko-coach. Bata pa si Allan at marami pang darating sa kanya. Siguro nga mas gugustuhin ko munang sa loob ng limang taon niyang pagko-coach sa Ginebra ay iginugol niya muna sa paglalaro dahil isa siyang mahusay at dina-dakilang manlalaro hindi lamang dito sa ating bansa kundi maging sa ibang bansa.
Pero sa ngayon, well, ibang usapan na.
Sa tantiya ko, bukod sa pagiging team manager ni Allan eh dapat sigurong sumailalim siya sa coaching clinic sa Amerika.
Anong sey nyo?
Siguro dapat ding i-set na niya ang kanyang isip na next year magko-concentrate muna ako sa pag-aaral sa coaching bago ako tuluyang maisabak sa aktuwal na trabaho. Kaya puwedeng kapag wala siyang laro ay magsimula na siyang umatend ng coaching clinic.
Di ba?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended