Reyes muling umusad sa finals
March 15, 2004 | 12:00am
Muling nagpamalas ng mahika si Efren Bata Reyes makaraang payukurin si Alok Kumar ng India, 11-1 sa kanilang race-to-11 semifinal round ng San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Nguyen Du Sports Hall sa Ho Chi Minh City.
Ang mahinahon at kalmanteng Pinoy ay maagang nagpamalas ng lakas nang agad kunin ang 3-0 bentahe, na ang tanging nagawa lamang ni Kumar ay kunin ang ikaapat na rack nang magmintis si Reyes sa combination sa corner pocket sa rack three.
Mula sa ikalimang rack, ipinakita na ni Reyes kay Kumar ang daan papalabas. At halos isinurender na rin ng Bombay ang ikapitong rack mula sa mintis na tira sa 9th ball.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban sina dating World Pool champion Chao Fong Pang kontra kay Park Shin Young ng Korea para sa karapatang harapin si Reyes sa finals.
Ang unang leg ng San Miguel 9-Ball Tour ay ginanap sa Singapore noong Pebrero 28-29 at ito ay napagwagian ni Reyes sa All-Pinoy finals kontra kay Warren Kiamco, 11-4.
Ang panalo ni Reyes ay naglagay sa Pinoy sa tour-leading money earning na $30,750 at 70 qualifying points para sa World Pool Championship na iho-host ng Taiwan sa Hulyo.
Sa kabilang dako naman, si Kiamco na sa ikatlong sunod na pagkakataon ay naging runner-up ay nanatili sa ikalawang puwesto na may $20,000 at 50 qualifying points.
Ang San Miguel Asian 9-Ball Tour ay tutungo sa Hong Kong sa Abril 17-18 at Taipei sa Mayo 7-9.
Ang final at championship leg na gaganapin sa Manila sa Mayo 29-30, ay inorganisa ng ESPN Star Sports at Event Management Group.
Ito ay may patnubay ng Asian Pocket Billiard Union.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended