Ang dahilan: itong point guard ng UP Fighting Maroons ay may cancer.
"Ang lakas makapanlambot ng chemotherapy," paliwanag niya. "Nakaka-depress pati. Tulad ngayon, di ako makapaglaro. Saka sa family ko, ang laki ng epekto lalo na yung Daddy ko, biglang umuwi kahit di siya pinapayagan."
Nabigla ang lahat nang malamang may cancer of the lymph nodes si Jon Jon.
Nahirapan lalo ang kanyang mga magulang, na nagtratrabaho sa Amerika.
"Minsan, parang ayoko na ngang kausapin yung Mommy ko, e. Kasi nag-iiyakan lang kami. Bakit ako nagkasakit ng ganito? Energetic naman ako. Bihira naman akong magkasakit. Naglalaro ako ng basketbol."
Sa harap ng lahat ng pangamba, tumulong ang UP Maroons.
Nagkaroon ng laro ang SMC All-Stars at Maroons upang makalikom ng salapi para sa pagpapagamot ni Tabique.
Di nakapagpigil ang mga alumni na magsalita, tulad ni Benjie Paras at Ronnie Magsanoc.
Sa lahat ng krisis, may kakampi.