^

PSN Palaro

80 baguhang cue artists maglalaban-laban sa 9-Ball Open

-
Mahigit 80 na baguhan at promising cue artists ang maglalaban-laban ngayon para sa titulo ng 9-Ball Open Championship sa Rommel’s Billiards sa Biak Na Bato, corner Retiro sa Quezon City.

Ang event na suportado ni Star Paper Corporation president at CEO Sebastian Chua ay bukas sa lahat ng mahihilig maglaro ng bilyar, matanda man o bata, lalaki o babae. Kailangang magparehistro sila hanggang alas-6 ng gabi ngayon.

Tinaguriang pinakamalaking billiard talent search, ang mga partisipante ay kakalabanin ang lahat sa race-to-five, winner-take-all format na ang pangunahing 16 ang magkukuwalipika sa susunod na round.

Ang top 16 ay muling maghaharap-harap nang panibagong bakbakan sa Star Paper compound para sa titulo at tsansang makalahok sa Tanduay Search for the Number 1 Billiards Player at nalalapit na Corporate Billiards League Season 2.

Para sa mas maagang pagpaparehistro, ang lahat ng interesadong partisipante ay maaaring tumawag sa telepono bilang 712-3663 at 712-8931 o sa Corporate Billiard League secretariat sa 0918-9219934 o pwede ring maglog sa www.corporate[email protected] para sa ilang detalye.

BALL OPEN CHAMPIONSHIP

BIAK NA BATO

BILLIARDS PLAYER

CORPORATE BILLIARD LEAGUE

CORPORATE BILLIARDS LEAGUE SEASON

QUEZON CITY

SEBASTIAN CHUA

STAR PAPER

STAR PAPER CORPORATION

TANDUAY SEARCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with