^

PSN Palaro

Vence, hari ng Pasig River Heritage Marathon

-
Muli na namang ipinamalas ni Roy Vence ang kanyang bilis at tatag sa takbuhan nang pagwagian nito ang men’s 42-K run ng 4th Pasig River Heritage Marathon kahapon.

Tinapos ng Southeast Asian Games gold medalists na si Vence ang karerang nagsimula sa Fort Santiago at nagtapos sa Fort Bonifacio sa tiyempong 2 oras, 33 minuto at 51 segundo upang pagharian ang patakbong ito na inorganisa ng Pasig River Rehabilitation Commission na sumusuporta sa prog-rama ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig.

Si Vence ng koponang Philippine Navy ay sinegundahan ni Reynaldo delos Reyes na nahuli sa kanya ng isang minuto habang pumangatlo naman si Mamerto Corpuz na nagrehistro ng 2:39:45.

Sa kabila ng magandang takbong ito, ang 37-anyos na si Vence ay nabigong burahin ang PRHM record na 2:30:25 na itinala ng isa ring Navy man na si Crisanto Canillo noong isang taon. Si Canillo ay sumali lamang sa 10K run ngayon.

Sa distaff side, si Lisa Delfin ng Sta. Lucia ang siyang nagreyna matapos nitong tawirin ang finish line sa tiyempong 3:27:51. Siya ay pinangalawahan ni Melinda Manahan (3:38:41) kasunod si Jona Atienza (3:52:49).

Kabilang sa 3,083 na nagparehistro sa edisyong ito ang mga kilalang personalidad sa pangunguna ni dating Pangulong Fidel V. Ramos at ang maybahay nitong si Amelita ‘Ming Ramos.

CRISANTO CANILLO

FORT BONIFACIO

FORT SANTIAGO

ILOG PASIG

JONA ATIENZA

LISA DELFIN

MAMERTO CORPUZ

MELINDA MANAHAN

MING RAMOS

PANGULONG FIDEL V

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with