^

PSN Palaro

Reyes, Kiamco nasa semis na

-
Habang tumataas ang premyong nakalaan lalong humuhusay si Efren "Bata" Reyes.

Ito ay makaraang igupo ng Pinoy cue master si Satoshi Kawabata, 9-3 at umabante sa semis ng San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Pool Haven billiards hall sa Clark Quay sa Singapore.

Matapos manalo ng lag sa unang pagkakataon sa torneo, mabilis na nag-ranout si Reyes sa unang frame, 4-0 sa pani-mula, at palawigin ang kanyang pananalasa sa racks nang walang talo tungo sa 12 na bilang sa kanyang 8 racks para tapusin ang ikalawang laban kontra kay Singaporean Bernard Tey.

Nakipagkarera si Reyes sa 5-0 abante at sungkitin ang kanyang ika-13th sunod na rack victory nang hindi pumasok ang 5th ball na nagbigay daan para wasakin ito ni Kawabata.

Naiselyo ng 34-year old na Hapones ang sariling pagbagsak sa 6th frame.

Matapos ilusot ang unang may kulay na bola, nagmintis sa routine straight forward shot si Kawabata sa 9th at iwan ang yellow stripe ball na nakabitin sa gilid ng corner pocket.

"Parang kumersyal ko ‘yung nangyari," pahalintulad ni Reyes sa kanyang television ad para sa isang fastfood chain. "Yun ang pinaka turning point ng laro namin. Alam ko sa akin na ‘yung laban."

Makakaharap ng second seed na si Reyes ang magwawagi sa All-Taiwanese quarterfinal match na tinatampukan nina Chen Huang Wu at defending Singapore leg champ Yang Ching Shun.

Kung one-sided ang panalo ni Reyes, dumaan naman sa butas ng karayom si Warren Kiamco bago tuluyang igupo ang Korean 4th seed at world No. 9 na si Jeong Young Hwa, 9-8.

Nawalan ng sigla si Kiamco matapos itala ni Jeong ang 5-9 combination para sa iskor na 7-2 makaraang ma-break ng Korean ang 10th frame.

Ngunit pumanig ang suwerte kay Kiamco nang magmintis si Jeong na ipasok ang one-ball makaraang lumusot ang black 8 sa kanyang serbisyo. Dito isinagawa ni Kiamco ang 1-9 combination.

vuukle comment

BALL TOUR

CHEN HUANG WU

CLARK QUAY

JEONG

JEONG YOUNG HWA

KAWABATA

KIAMCO

MATAPOS

POOL HAVEN

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with