^

PSN Palaro

San Miguel Asian 9-Ball Tour: Reyes,Kiamco umusad

-
Gumamit ng mahika si Efren ‘Bata Reyes nang gapiin niya ang Singa-porean na si Bernard Tey, 9-4 at umabante sa quarterfinals ng San Miguel Asian 9-Ball Tour at the Pool Haven billiards hall sa Clark Quay, Singapore.

Tulad ni Houdini, ang great escape artist, nalusutan ni Reyes ang na-trap sa malalim na butas, 1-4 nang gumamit ito ng mahika upang matulala ang kanyang kalaban sa harap ng Asian television.

"Nag-self destruct ang kalaban nung nagsunud-sunod ang panalo ko," ani Reyes na tinaguriang "The Magician".

Lalong kinalawang ang Singaporean sa decisive 13th frame.

May tatlong bola na lang ang nalalabi upang makumpleto ang runout, sumala ang midrange shot ni Tey sa side pocket.

At pagkatapos ng tira ni Reyes, ang mahinang preparasyon ng Singaporean ang nagbigay sa Pinoy ng malinaw na tira sa 9-ball tungo sa panalo ng Pinoy.

Makakaharap ni Reyes, na unang nanalo sa Chinese na si Lin Didi, 9-5, sa opening round ang Japanese seventh seed na si Satoshi Kawabata isa quarters.

Patuloy naman ang mahusay na laro ni Warren Kiamco, dalawang beses na naging runner sa leg noong nakaraang taon, nang pabagsakin niya ang Japanese na si Hisashi Yamamoto, 9-6, at makasama si Reyes sa susunod na round.

Naunang ginapi ni Kiamco ang Singaporean na si Ricky Chew, 9-3.

"Maganda ang tira ko ngayon. Sana lang ma-maintain ko hanggang huli," ani Kiamco, na sunod na makakalaban ang Korean fourth seed na si Jeong Young Hwa.

Samantala, malungkot naman ang araw para sa mga kababayang Pinoy nang yumuko si Francisco ‘Django’ Bustamante kay Alok Kumar ng India sa makapigil-hiningang 9-8 iskor.

Maganda ang naging panimula ni Bustamante nang daigin nito ang Indonesian ace na si Mohammad Junarto, 9-4 sa unang round.

Bukod kay Bustamante nauna na ring nalaglag sina Lee Van Corteza, kasabay sina Frennie Reyes and Antonio Gabica.

Lahat ng first-round losers ay mag-uuwi ng US$750 (P42,000) at 10 ranking points para sa San Miguel Tour’s Order of Merit, na dedetermina sa top 10 players na tutungo sa World Pool Championship.

vuukle comment

ALOK KUMAR

BALL TOUR

BATA REYES

BERNARD TEY

BUSTAMANTE

CLARK QUAY

FRENNIE REYES AND ANTONIO GABICA

PINOY

REYES

SINGAPOREAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with