^

PSN Palaro

Titulo tangkang agawin ni Rodrigo vs kampeong Hapones

-
Isang mabigat na underdog ang gagampanang papel ni Philippine flyweight champ Edgar "Bombardero" Rodrigo sa kanyang pakikipagharap ngayon kay OPBF 112-lbs champ Noriyuki Komatsu, gayunpa-man hindi ito makakapigil sa kanyang pag-agaw sa korona sa 12-round sa Central Gym sa Osaka, Japan.

Ang kaliweteng si Rodrigo, malaking puncher mula sa General Santos City ay umaasang maging ikalimang OPBF titlist ng bansa kung mananalo ito sa walang talong Hapones.

Hawak ni Rodrigo ang 9-2-3 win-loss-draw card na may 4 KOs sa labang ito habang si Komatsu , ang No. 3 flyweight sa World Boxing Council ay bitbit naman ang 17-0-5 na may 8 KOs. Ang laban na ito ni Rodrigo ay ikaapat na pagdedepensa naman ni Komatsu sa kanyang titulong napagwagian laban kay Jung-Oh Son noong September, 2002. Ang kanyang unang depensa ay nang patitigilin niya si Rolly Lunas sa loob ng dalawang rounds.

"I will try my best to win the crown for the country," ani Rodrigo bago ito nagtungo sa Japan noong Biyernes. Ang Pinoy champ ay dumaan sa 92 rounds na sparring bilang paghahanda kay Komatsu. Kabilang sa kanyang mga naka-ispar ay sina Elderd Romero, Albert Cesa, Celso Danggod, at Dondon Jimenea.

ALBERT CESA

ANG PINOY

CELSO DANGGOD

CENTRAL GYM

DONDON JIMENEA

ELDERD ROMERO

GENERAL SANTOS CITY

JUNG-OH SON

KOMATSU

RODRIGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with