^

PSN Palaro

Balik PBL ang Ateneo, aalis naman ang De La Salle

-
Matapos na magpahayag ng intensiyon ang Ateneo ng kanilang pagnanais na bumalik sa PBL, aalis naman ang De La Salle sa nasabing liga.

Sa matagal na panahon ding pagiging miyembro ng Green Archers sa PBL na suportado ng ICTSI, lilisanin muna ang PBL upang ituon ang pansin sa kanilang paghahanda sa 2004 UAAP season kung saan bibiyahe sila sa China at Brazil para sa isang mahigpitang preparasyon.

Kaya’t ang inaasahang matinding pagtatagpo ng mahigpit na magkaribal ay tanging masasaksihan lamang sa UAAP.

At habang nasa China at Brazil, makikipaglaro ang Green Archers kontra sa ilang pangunahing collegiate team at commercial teams doon.

May tatlong players ang nag-pro na at suwerteng nakasama sa 2004 PBA Draft. Si Joaquim Thoss ay pumirma na sa Alaska Aces, si Carlo Sharma sa Shell Velocity at si Manny Ramos ay practice player ng Coca-Cola.

At bagamat simula nang sumali sa PBL ay may malakas na lineup na kinabilangan ng ngayon ay nasa PBA na sina Mike Cortez, Willie Wilson, Nelbert Omolon at Bernzon Franco hindi nakatikim ng kampeonato ang Green Archers.

Ang maiiwang apat na miyembro ng ICTSI--sina dating pro players Ramon Jose, Dino Aldeguer at Dominic Uy kasama si Raymond Magsumbol - ay ipamimigay o ililipat sa ibang PBL teams habang babalik sa DLSU at sasama sa kanilang biyahe sa China at Brazil sina Pocholo Villanueva, Joseph Yeo, Santiago Cabatu, Jr., Jose Redemptor Aquino, Tyrone Tang, Michael Gavino at superstar Mark Cardona.

Si Franz Pumaren pa rin ang hahawak sa Archers na nagbigay ng apat na kampeonato sa Green Archers sa nakalipas na anim na taon taliwas sa napabalitang papalitan ito ni dating Shell coach Perry Ronquillo.

Anumang oras mula ngayon, magsusumite na ng aplikasyon ang Ateneo sa PBL Commissioner’s Office. (Ulat ni ACZaldivar)

vuukle comment

ALASKA ACES

ATENEO

BERNZON FRANCO

CARLO SHARMA

DE LA SALLE

DINO ALDEGUER

DOMINIC UY

GREEN ARCHERS

JOSE REDEMPTOR AQUINO

JOSEPH YEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with