Ok lang kay Cone na underdog ang Alaska
February 6, 2004 | 12:00am
Hindi nasorpresa si Alaska coach Tim Cone na underdog ang kan-yang team sa ratings ngunit hindi niya ito ikinagulat at bagkus ay natuwa pa ito.
"Thats fine by me," ani Cone. "Id rather be the underdog than be among the favorites. That way you can surprise some of the teams, sneak up on them."
Bagamat hindi paborito ang Alaska, magiging mapanganib ito sa PBA Fiesta Cup na magsisimula sa Feb. 22 sa Araneta Coliseum.
Konti lang ang nabago sa Aces nitong off-season ngunit ang kanilang batang koponan na punumpuno ng talento ay inaasahang magiging mapanganib sa taong ito.
Kabisado ng mga young guns gaya ni Mike Cortez at Brandon Cablay ang kanilang puwesto sa triangle offense at komportable na sa mga beteranong sina John Arigo, Ali Peek, Don Camaso at Don Allado kaya maganda na ang takbo ng kanilang opensa sa season na ito.
Ang kulang sa team ay pinunan na nina Sonny Thoss, ang No. 5 overall pick ng Aces na makakatulong kina Peek, Allado at EJ Feihl sa frontline, ex-De La Salle mainstay Willie Wilson at Bern Franco.
Ang pinakahuling piyesa sa puzzle ay si Galen Young, isang 65 se-cond-round pick sa NBA at All-Star sa Continental Basketball Association na siyang pinili ni Cone na personal na nagpunta sa States para kumuha ng import.
Naglaro si Young sa Northwest Community College (1995-97) at Uni-versity of North Carolina sa Charlotte (1997-99). Na-draft sa 1999 NBA Draft ng Milwaukee Bucks (2nd round, #48) at 1999 CBA Draft, ng Grand Rapid Hoops (1st round, #6).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended