PBL Platinum Cup: Welcoat angat na

Bilang pagpapakita na siyaang karapat-dapat na Most valuable Player tulad ng mga nakasaad sa uniporme ng ilan sa kanyang mga kasama-han, humakot si Jojo Tangkay ng 24 puntos at sinuportahan ito ni James Yap ng 17 puntos ni sa 60-53 panalo ng Welcoat kontra sa Fash at makalapit sa titulo ng PBL Platinum Cup.

Matapos ang tagumpay ng Welcoat sa Pasig Sports Center na niyanig ng pagbibitiw sa tungkulin ni PBL Commissioner Chino Trinidad, hawak na ngayon nila ang 2-0 kalamangan sa best-of-five championship series kasabay ng pagbibitiw ni Trinidad isang panalo na lamang ang kanilang kailangan upang tuluyang mapanatili sa kanilang poder ang korona.

Matapos tanggapin ang MVP trophy, walang puntos na naibigay si Simon dahil sa kanyang injury sa kanang paa.

Gaganapin bukas ang Game-Four kung saan maaari nang makopo ng Paint masters ang titulo sa Pasay Sports Center sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Show comments