^

PSN Palaro

SERBISYO NG PBL

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Nagmistulang farm team ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs ang Welcoat House Paints ng Philippine Basketball League. Kasi nga’y ang tatlong manlalarong pinili ng Hotdogs sa nakaraang Draft ay buhat sa Welcoat. At pinapirma na ng Purefoods sina James Yap, Paul Artadi at Ervin Sotto kamakailan.

Sina Yap, Artadi at Sotto ay tatlo lang sa pitong manlalaro ng Welcoat na lumahok sa Draft. Ang iba’y sina Marc Pingris, Nelbert Omolon, Mac Cuan at Willie Wilson.

Si Yap ang second pick overall ng Draft. Siya ay isang 6-3 forward na buhat sa University of the East. Si Sotto ay No. 7 napili. Siya ay isang 6-7 sentro buhat naman sa St. Francis of Assisi College. Gaya ni Yap ay taga-UE din si Artadi na isang 5-10 point guard. Napili naman siya sa second round (11th overall).

Si Pingris, isang 6-5 sentro na naglaro sa Far Eastern University, ay siyang No. 3 pick sa Draft at kinuha naman ng FedEx Express. Si Omolon, isang high leaper buhat sa Philippine Christian University, ay kinuha naman ng Sta. Lucia Realty bilang No. 8 pick. Si Cuan, isang guwardiya buhat sa La Salle, ay nadampot din ng Realtors sa second round. Si Wilson ay kinuha din ng Alaska Milk sa second round.

Ang lahat ng ito’y nakatakdang pumirma ng kontrata sa mga teams na kumuha sa kanila. Ganon katindi ang mga manlalaro ng Welcoat House Paints.

Kaya nga nang minsang makausap namin ang team owner ng Welcoat na si Raymond Yu ay naitanong namin sa kanya kung nababahala siyang hihina ang kanyang koponan sa susunod na conference ng PBL.

Ani Raymond, aminado siyang hihina ang kanyang team pero proud siya dahil sa muli ay nakatulong siya sa mga manlalaro upang matupad ang mga pangarap nila.

"Okay lang na humina kami as long as naging bahagi kami ng development ng mga players na ito. Yun naman talaga ang layunin namin, e. Gusto naming tulungan ang mga players na ma-improve ang talent nila at maihanda sila para sa PBA. Natutuwa nga kami’t nakuha lahat ang pitong players namin. Mas matutuwa kami kung makakapirma silang lahat," ani Raymond.

Sinabi din niya na marami namang ibang collegiate standouts na puwedeng kunin at handa ang Welcoat na magsimula sa umpisa. Ganoon naman talaga ang buhay ng mga teams sa PBL. Nagde-develop sila ng players para sa national team at sa PBA.

Kaya naman maraming bumibilib hindi lang sa Welcoat kungdi sa buong PBL. At patuloy namang sinusuportahan ng mga fans ang premier amateur league ng bansa.

Mabuhay kayo!

ALASKA MILK

ANI RAYMOND

ARTADI

ERVIN SOTTO

FAR EASTERN UNIVERSITY

JAMES YAP

KAYA

WELCOAT

WELCOAT HOUSE PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with