^

PSN Palaro

Tangkay ibinangon ang Welcoat

-
Nagpasiklab ang dating PBA player na si Hercules Tangkay nang kanyang ibangon ang Welcoat House Paints tungo sa 90-84 panalo kontra sa Blu Star Detergent sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa semifinals ng PBL Platinum Cup sa Pasig Sports Center.

Nagposte si Tangkay, naglaro sa Sta. Lucia Realty sa PBA, ng career-high na 40 puntos, 37 nito ay sa ikalawang bahagi ng labanan mula sa paghahabol nila sa 25 point deficit sa first half.

Naramdaman din ng Welcoat ang pagkawala ni Marc Pingris na sinuspinde ng isang laro dahil sa pagduduro sa isang game official sa kanilang laban kontra sa Montana.

Ngunit hindi ito naging hadlang para sa Paint Masters nang bumawi si Tangkay sa kanyang tatlong puntos na produksiyon sa ikalawang quarter sa pamamagitan ng eksplosibong performance sa second half.

Mula sa 43-31 kalamangan ng Detergent Kings, humataw si Tangkay ng 20 puntos sa ikatlong quarter upang makalapit ang Paint Masters, 68-61.

vuukle comment

BLU STAR DETERGENT

DETERGENT KINGS

HERCULES TANGKAY

LUCIA REALTY

MARC PINGRIS

MULA

PAINT MASTERS

PASIG SPORTS CENTER

PLATINUM CUP

TANGKAY

WELCOAT HOUSE PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with